4
The Third Person's POV
Walang kaalam-alam ang grupo nila Tanya sa kaguluhang naghihintay sa kanila sa bayan.
Hindi nila alam ang sinapit ng mga mamamayan dito. Kung gaano sila pinahirapan ng mga salarin. Kahit ang mga napahirapan ay hindi maipaliwanag kung saan sila nanggaling.
May naniniwalang nagkatotoo ang urban legend ng isang payaso na naghihiganti, pero ang iba naniniwalang mga serial killers ang gumagawa nito.
Maingat at tahimik lang sila sa paglalakad. Walang nagsasalita sa takot na baka may makarinig sa kanila.
"Hoy Tanya! alam mo ba kung saan ang daan?" Sa wakas at may nagsalita na rin, nabawasan ang kabang kanina pa nararamdaman ng bawat isa.
Tumango si Tanya sa tanong ni Chruch.
"Ano ba kayo, diretso lang naman 'yung dinaanan natin ah walang paliko 'tong daan na 'to." Inis naman na bulong ni Arkie.
Tanya's POV
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang tulay. Ito ang nagdurugtong sa Redwood at sa gubat na ito. Halos wala ng ilaw kaming makita sa kabilang bahagi ng tulay. Mahaba-haba itong tulay kaya hindi mo talaga maaaninag ng maayos ang sa kabilang bahagi pero nakasisiguro akong kahit isang ilaw ay wala. Anong nangyari sa Redwood?
"Guys, earth hour ba ngayon?" Nanginginig na tanong ni Chruch.
"Anong earth hour? hindi noh!" Nagtataka namang sambit ni Lance.
"Kung hindi earth hour? bakit walang ilaw ang Redwood? diba dapat may ilaw 'tong tulay? brown out ba?" Naguguluhan paring tanong ni Chruch.
Napabuntong-hininga ako dahil sa napagtanto. Kung hindi nga earth hour ngayon, bakit walang ilaw? impossibly namang brown-out kasi may ilaw naman dun sa pinanggalingan naming kwarto kanina.
"T-tulong!" Napabalikwas kaming lahat ng bigla na lamang kaming makarinig ng isang naghihinagpis na boses. Tila ba sobra-sobrang paghihirap na ang kanyang nararamdaman.
"G-guys what's that?" nauutal kong tanong. Nagkibit-balikat lang sila dahil hindi naman nila alam ang nangyayari.
"T-tulong! wag! please parang awa mo--ahhhhh!" muli naming narinig ang boses na naghihirap. Pero mas lalo kaming kinilabutan ng sumigaw ito.
Sigurado akong hindi lang siya nag-iisa. Sigurado akong may nagpapahirap sa kanya.
"Guys maybe we should help him!" Pabulong kong sigaw.
"Are you crazy?! hindi natin alam kung ano ang nagyayari sa kanya!" bulyaw naman sakin ni Lance na halatang natatakot na rin.
"Tama si Lance, Tanya. We don't know what's happening. Mas mabuti pang magtago nalang ulit tayo!" pabulong naman na sigaw ni Arkie sakin.
They're right, hindi namin alam ang nagyayari. kaya mas mabuti pang wag na lang alamin at baka mapahamak pa kami. Nang akmang didiretso na sana kami patungo sa tulay, agad kaming natigil nang makakita ng grupo ng mga payasong may dala-dalang kung ano-anong uri ng patalim.
"G-guys what the h-hell is that?" nauutal na tanong naman ni melody. Isa sa mga kasamahan namin.
"I-I don't know!" Puno ng takot kong sambit.
Para kaming binuhusan ng napakalamig na tubig nang makita namin sila. Halos hindi kami makagalaw sa kinatatayuan namin. Walang sino man ang nag-aakmang tumakbo at magsalita.
Ang grupo naman ng mga bayulenteng payaso ay nakatayo lang din sa hindi kalayuan, habang pinagmamasdan kaming mabuti. May mga malalaking ngisi ang kanilang mga mukha at halatang sabik na sabik na silang wakasan ang aming mga buhay.
BINABASA MO ANG
Slaughtered Town
Horror"Just because it happened in the past, doesn't mean it didn't happen." May mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahang mangyayari. Wala kang clue kung bakit ito nangyayari at kung bakit saiyo pa nangyari. Mahirap paniwalaan ang isa lamang urba...