Chapter 20: Crucifixtion

2 0 0
                                    

20

Tanya's POV

"Μπορείτε να τον τελειώσει.".  

Ibig sabihin ay tapusin niyo siya. Hindi ko maintindihan kung bakit ko naiintidihan ang sinabi ni Cleon na iyon. That language is Greek. And I've never been to greek. At lalong hindi ako nag-aral ng salitang greek.

Paubo-ubo akong nakahandusay sa sahig. Namimilipit parin ako sa sakit dulot ng pagsaksak sa akin ni Cleon kanina. Sira ulo 'yun! Iaalay na nga lang ako, natripan pakong saksakin!

Hindi parin nila sinisumulan ang pag-aalay. Pero mabuti narin dahil umaasa parin ako kahit konti na dadating si Lance para iligtas kami ni Kuya. Abala sa kung anong bagay si Cleon at ang kanyang mga alagad. Hindi ko rin naman makita ng maayos ang kanilang ginagawa dahil umiikot ang paningin ko at nasusuka ako ng sobra. konting tiis nalang...

Mabilis ang pangyayari. Hindi ko namalayan ang sarili kong nakahiga na pala sa isang kahoy. Nakatali ang mga kamay ko sa kahoy na iyon. Para bang isang cross. Natatakot ako sa pupwedeng gawin nila.

"Magtatapos na ang paghihirap mo." isang mapanuksong boses ang pinakawalan niya sa bibig niya. Kung may sapat pa sana akong lakas ay nagawa ko na siyang sapakin. Pero hindi ko na kaya, ni maigalaw manlang sana ang mga kamay ko ay hindi ko na magawa.

Ipipikit ko nalang sana ang mata ko ng mapasigaw ako ng ubod ng lakas. Ramdam ko kung paanong bumaon sa palapulsuhan ko ang matulis na mabagi ng pako. Isang malakas na pwersa ang ginamit para bumaon ang pako pati sa kahoy. Hindi ko maigalaw ang kanan kong kamay. Napapaiyak at napapasigaw nalang ako sa sakit.

Muli niyang pinakuan ang kabila ko namang kamay dahilan ng mas ubod pang lakas kong sigaw. Ayoko na! Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay malalagutan na ako ng hininga. Hindi ko na kaya ang ginagawa nila! Napapagod na ang katawan ko. Pagod na ako.

*

Lance's POV

Konting tiis nalang tanya. Hintayin mo ako.. konting tiis nalang.

Rinig na rinig mula dito sa kinatatayuan ko ang nakakabinging palahaw ni Tanya.  Nandito kami ngayon sa isang kweba. Kweba patungo sa kabilang mundo. Ang mundong pagmumuno ni Papang. Ang kweba ay ang nagsisilbing lagusan papasok at papalabas dito at tanging mga nilalang lang na galing sa impyernong iyon ang pupwedeng maglabas masok. Dahil walang kakayahan ang mga ordinaryong tao hindi tulad namin. Demonyo.

Pakiramdam ko ay mapupudpod na ang paa ko kakatakbo para lang makaabot. Para lang maabutan siyang buhay. At para i-tama ko ang mga kasalanan ko sa kanila.

Takbo kami ng takbo at para bang walang hanggang kalsada ang tinatahak namin. Napakainit ng paligid at pinagpapawisan kami pare-pareho. Ako, si Violet, si Church at si Arkie. Gusto ko sanang kami na lang ni Violet ang pumasok, kaso nagpumilit sila. Nakapasok sila sa tulong ko at ni Violet.

"L-lance! Malayo pa ba 'to?! Nag-aalala nako kay Tanya?!" sigaw ni Arkie habang umiiyak. Tumatakbo din siya kasabay ko at ramdam ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Malapit na. Malapit na tayo kay Tanya." naisambit ko na lamang at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo.

Nang matanaw ko ang dulo ay labis na lamang ang kaba at pag-aalala ang naramdaman ko. Kung kanina'y pag-aalala lang, ngayo'y nahaluhan na ng labis na kaba. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at natatakot ako sa pupwede kong masaksihan sa loob.

"Teka lang." huminto ako sa pagtakbo at ganon din sila. Hindi kami pupwedeng pumasok nalang basta-basta. Alam kong napakadami nila sa loob. At hindi namin sila kakayanin.

Slaughtered TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon