Chapter 17: Comfort Me

7 1 0
                                    

17

Tanya's POV

Ilang araw na ang lumipas ng matapos ang halloween party na iyon. Ang gabi kung saan nasira ang lahat. Ang gabi kung saan wala kaming kaalam-alam sa  mga nangyayari sa Redwood. Ang gabi na nag-iwan sa amin ng mga masasakit na ala-ala at patuloy paring nangyayari.

Marami parin ang mga katanungan namin sa aming mga isipan and no words can explain why. Lalo na ang nararamdaman ko. Sino ba si Anthea? At bakit siya konektado sa anak ng Demonyong iyon? at bakit ko ito nakikita sa mga ala-ala ko?

Maraming kasagutan ang nais kong malaman, pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang mga katutuhanang malalaman ko. I don't know if I will be the same after all of this. We don't know who'll survive this hell and who will not. Ang tanging magagawa nalang namin ngayon ay ang magdasal at ang lumaban para mabuhay at makaalis sa impyernong ito. We just have to trust ourselves.

"Kailangan na nating kumilos Guys. Hanapin na natin ang daan palabas ng Redwood." maotoridad na sambit ni Kuya. Napatingin kaming lahat sa kanya na may kanya-kanyang kunot ng noo.

"E diba yung tulay na dinaanan natin papunta dito yung daan?" naguguluhan ko namang tanong.

"Oo nga 'yun lang naman ang daan diba? kaya tara na." yaya naman ni Arkie. Napalingon ako kay Violet na kanina pa ako tinitingnan. Nakakapangilabot na ang mga titig niya na sinasabayan pa ng ngisi at minsan nagiging ngiwi pa.

Kahit kailan talaga hindi ko maiintindihan ang mga tumatakbo sa isipan ng babaeng ito. Sabagay hindi naman siya tao. Ano nga ba siya? hindi niya pa napapaliwanag ng maayos 'yun e.

Tahimik kaming naglalakad sa madilim at nakakapangilabot na kalsada ng Redwood. Nagkalat parin ang mga lasog-lasog ng katawan ng mga mamamayan nitong bayan na ito. At humahalo na rin ang napakasangsang na amoy. May mga nasusunog pang mga bahay at ang iba naman ay halos mabiyak na sa dalawa, habang ang iba ay halos wala ng dingding. Hindi mo aakalain na ang dating masaya at punong-puno ng masasayang tao ngayon ay isa na lamang dead town. Puno ng karahasan at kahit kailan hindi na malilimutan.

Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag pack na nasa likuran ko. Lalong tumitindi ang kaba ko at siguro ganon rin sila. Hindi parin kami ligtas hangga't naririto parin kami sa bayang ito. Ngunit, gustuhin ko mang umalis na ng tuluyan ay hindi ko magawa. Para bang may pumipigil sa akin at mag stay muna at alamin ang katutuhanan. May malaking parte sa akin na kailangan ko siyang makitang ligtas at maayos. Nababaliw nako sa nararamdaman ko. Oo tinaboy ko siya paalis. Umiwas ako dahil nasaktan ako sa mga nalaman ko pero hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ng puso ko. Lalo lang pinapagulo ang sitwasyon. Lalo lang akong pinahihirapan.

"G-guys." nabalik ako sa realidad ng marinig ang natatarantang boses ni Arkie. Nakakapit na rin sa kanyang braso si Bianca at nasa likuran na rin namin ang iba.

Para akong namatay ng makita ang tulay na halos kalahati na lamang. Mahaba ang tulay na ito ngunit kitang-kita mo parin naman ang nasa kabilang dulo. Nakakangimbal na makitang putol na ang tulay na nagsisilbing daan palabas at papasok ng Redwood.

"Guys paano na to! paano tayo makakaalis dito!" natatarantang sigaw ni Arkie kaya naman linapitan ko siya para pakalmahin.

"Calm down Arks okay? calm down, we can think of a way." giit ko habang hinahagod ang kanyang likod.

Inikot ko ang paningin ko at nakita ang iba naming kasamahan na halos maiyak na dahil sa nakita. Ang iba naman ay nakaupo na lamang sa kalsada at mukhang hindi na alam ang gagawin. Si Arkie, Bianca, Church, Kuya, Ako, Violet, Sherly, Toni at Paulo. Lahat kami halos maiyak na dahil ang tanging paraan na lamang na naiisip namin para makaalis dito ng buhay ay naglaho ng parang bula.

Slaughtered TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon