9
Tanya's POV
Halos mamaga na ang mata ko't lalamunan dahil sa sobrang pag-iyak at pagsusuka habang pinapanood sila sa kanilang ginagawa.
Naririto parin ako sa gitna at nakaupo habang may gapos parin. Para akong isang Reyna na inaalayan nila ng tao. Nakakasuka at nakakapandiri.
May sampung tao sa harapan ko, halatang kakadakip lamang sa kanila. Buhay na buhay at tanging mga galos lang ang meron sa katawan nila. Iyak sila ng iyak habang nagmamakaawa sa akin na palayain. Ano nga ba ang magagawa ko sa pagmamakaawa nila? e, isa rin naman ako sa kanila.
Nagsasayahan at punong-puno ng mga nakakakilabot na hagikhikan ang paligid, ang iba naman ay pinapatunog pa ang kanilang ilong na nagreresulta sa matinis at nakakatakot na tunog.
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lamang hilain ng isang payaso ang babaing may makapal na salamin. Nakikilala ko siya, sa skwelahan ko rin siya pumapasok. Hindi ko lang matandaan ang pangalan niya.
Iyak siya ng iyak habang sapilitang hinihila papunta sa harapan ko. Nang tuluyan siyang mailapit ay agad siyang marahas na pinaluhod na para bang humihingi ng tawad sa akin. Ginagawa nilang akong diyos!
Wala rin akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Namumugto na ang mga mata ko at labis na akong nahihirapan sa pag-hinga.
Lalo akong napaiyak ng makitang naghahanda ang payasong humila sa kanya ng isang malaking patalim. Halos kumalansing ang dulo nito habang hinihila papalapit sa babae. Nanlaki naman ang mga mata niya at lalo pang napaiyak. Nakatingin lang siya sa akin habang nagmamakaawa habang ako naman ay halos mabaliw na sa pupwede kong masaksihan. Pumikit ako at umiling-iling ngunit agad akong hinawakan sa baba ng nagbabantay saking payaso at pilit na pinapamulat ang mata ko. Wala akong nagawa kundi ang imulat ang mga mata ko ng makaramdam ng matalim na bagay na nakatutok sa gilid ng pisngi ko.
Umiiyak ako habang nakatingin sa nagmamakaawang babae sa harapan ko. Sa isang iglap, umalingaw-ngaw ang hiyawan na tila ba napakasaya nila at kasabay nito ang palahaw ko naman dahil sa nasaksihan.
Ang kaninang babae na umiiyak at himihingi ng awa ay wala ng buhay at wala na ring ulo. Ang mga laman at dugo nito ay tumalsik sa paanan ko habang ang ulo naman nito ay agad na inilagay sa isang kawali. Nakakadiri at nakakaawa ang sinapit niya.
"Tama na please! tama na!" pagwawala ko dahilan para muling mapunit ang balat ko dahil sa alambreng nakatali parin dito.
Napahiyaw ako sa sakit at gustong-gusto ko na itong tanggalin pero wala na akong lakas upang lumaban pa. Natigil ako sa pag-iyak at halos mabaliw na habang paisa-isang tinitingnan ang mga bihag nilang tao. Nakatulala na lamang ako sa kanila. Somehow, masaya parin ako dahil hindi isa sa kanila sina Arkie, Kuya, Lance at ang iba pa naming kasama papunta dito sa Redwood.
Pero hindi ko parin maiwasang manlumo sa kanilang sasapitin. Wala na rin akong magagawa kundi ang pagmasdan na lamang silang paisa-isang pinapatay ng mga walang-hiyang payaso. Ang tanging nasa isip ko na lamang ay ang masasayang alaala noong hindi pa ito nangyayari. Nakatulala na lamang ako habang nakatingin sa kawalan.
-----
Third Person's POV
Halos hindi na mapakali sa kinatatayuan ang nakakatandang kapatid ni Tanya habang pinapakinggan ang bawat palahaw at pagmamakaawa ng kapatid. Hindi lang ang palahaw ng kapatid ang kanilang naririnig kundi pati na rin ng mga taong paisa-isang pinapatay.
Habang nakasilip sila sa maliit na butas ng pituan ng basement, nasasaksihan nila ang bawat paghihirap ni Tanya. Halos mapuno na ng dugo ang suot nitong kulay puting dress dahil sa mga sugat nito sa kamay at paa.
Kahit gustong-gusto na nila itong lapitan ay hindi parin nila magawa dahil dadalawa lamang sila at napakaraming kalaban na naghihintay sa labas. Kahit na armado sila ay hindi parin ito sapat para maubos ang mga nagsasayahang payaso.
Halos masuka na si Marko dahil sa mga nasasaksihang patayan sa labas. Tanging tatlong tao na lamang ang natitira dahil ang iba ay halos wala ng ulo at magkalasog-lasog na ang katawan ng mga ito.
Mag-iilang oras na silang nagtatago sa basement at wala parin silang nagagawa upang matulungan ang kawawang si Tanya. Labis silang natatakot para sa kanilang buhay at sa dalagang nakaupo sa isang trono.
Mukhang may idea na si Lance sa kung anong ginagawa ng mga ito sa dalaga, kaya naman ay dali-dali niyang kinargahan ang baril at tumayo ng maayos.
"Kailangan na nating kumilos, Marko. Baka mahuli na tayo." maotoridad na sambit ni Lance na agad namang pumukaw sa naglalakbay na diwa ni Marko.
Umayos ito ng pagkakatayo at hinugot muli ang samuria na nakasukbit sa kanyang likod. Hinawakan niya ito ng mahigpit na tila ba handa ng makisabak sa labanan.
"Makakaya kaya na'tin silang lahat?" tanong ni Marko na agad namang tinangoan ni Lance.
Pursigidong mailalabas nila si Tanya ng buhay kahit na wala silang kasiguraduhan sa kanilang buhay. Unti-unting hinawakan ni Lance ang doorknob at dahan-dahan niya itong inikot ngunit natigilan siya sa ginagawa ng bigla na lamang umikot ng mag-isa ang doorknob. Agad niyang sinilip sa butas kung sinong nilalang ang pilit na umiikot dito. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang pamilyar na mukha. Ang mukha ng taong nagdulot nitong lahat, ang mukha ng taong labis siyang nangulila.
Dahil sa takot na baka mahuli sila nito lalo na si Marko, dali-dali niyang pinindot ang lock ng pinto. Lalo silang napaatras ng pilit parin nitong binubuksan ang pinto.
Sumenyas na kaagad si Marko na magtago ngunit tila ba naistatwa sa kanyang kinatatayuan si Lance. Hindi siya makapaniwalang nasisilayan niya muli ang mukha ng taong iyon.
"Lance! tara na!" mahinang bulong ni Marko habang hinihila si Lance papuntang gilid ng aparador upang magtago.
Palakas ng palakas ang ingay na nagagawa ng pilit na pagbukas ng pinto. Muli siyang hinigit ni Marko na agad namang nakapukaw sa kanyang diwa. Tumango-tango siya at mabilis na nagtago sa gilid ng naglalakihang aparador sa loob ng basement.
Maraming alikabok sa paligid kaya nahihirapan silang suminghap ng maayos. Naririnig parin nila ang sapilitang pagbubukas ng pinto. Halos maiyak na si Lance dahil sa nangyayari, lungkot at takot ang kanyang nararamdaman. Lungkot dahil gustong-gusto na niyang yakapin ang taong nakatayo sa labas at pilit na gustong pumasok sa loob. Takot dahil baka hindi nito magustuhan ang kanyang ginawa.
"Lance? umiiyak ka ba?" naguguluhang tanong ni Marko.
Agad namang pinunasan ni Lance ang mga luhang namuo sa kanyang mata at ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. Agaran siyang umiling at hinawakan ng mahigpit ang kanyang baril.
"Kailangan na nating kumilos!" pasigaw nitong bulong habang pilit na tinatatagan ang kanyang loob.
"Paano tayo kikilos, Lance? napakarami nila sa loob! tiyak na mahihirapan tayong ilabas si Tanya dito!" pabulong namang bulyaw ni Marko.
Tila ba nakalimutan na nila ang nilalang na pilit na pumapasok sa loob dahil tanging si Tanya na lamang ang kanilang iniisip. Natatakot si Marko sa pupwede nitong sapitin sa oras na madakip sila. Alam niyang hindi kakayanin ng bunsong kapatid ang kanyang kapalaran sa oras na may makakita sa kanila. Dahil alam niyang pahihirapan sila ng mga nilalang na iyon. Alam niyang walang mga puso ang mga nilalang na iyon. Pero sa kabila nito, pilit parin niyang tinatatagan ang kanyang sarili upang mailabas dito ang pinakamamahal na kapatid kahit na kapalit pa nito ang kanyang buhay.
End
Thank You for Reading!
Vote & Comment :>
BINABASA MO ANG
Slaughtered Town
Horror"Just because it happened in the past, doesn't mean it didn't happen." May mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahang mangyayari. Wala kang clue kung bakit ito nangyayari at kung bakit saiyo pa nangyari. Mahirap paniwalaan ang isa lamang urba...