"Marriage?!" halos pasigaw na bulalas ni Sofia nang kausapin siya nang magulang isang gabi.
Akala naman niya ay kung anong magandang balita ang magiging resulta ng pag-uusap ng mga ito at nang lalaki.
Nagulat kasi siya nang magpunta ito sa bahay. Inaasahan niya na oofferan siya ng lalaki na maging modelo ng mga produkto nito. Subalit nagkamali yata siya.
"Huminahon ka, Sofia," malumanay na wika ng ina niyang si Roxanne.
Umiling-iling siya. Nagsimula nang mangilid ang luha niya.
"Gusto kong ipaliwanag niyo sa akin kung bakit niyo ako ibibigay sa kanya? Kasi di ko maintindihan eh," nagsimula nang dumaloy ang luha sa pisngi niya.
"Anak ko," lumapit ang ina niya sa kanya at nagtangkang lumapit subalit umiwas lamang siya dito.
"Para masecure namin ang future mo," tugon ng ama niya.
"Porque mayaman? Ibibigay niyo na ako agad? Hindi niyo naman kilala iyon diba? Malay niyo ba kung sadista siya. Nananakit. Hahayaan niyo lang ba ako na maranasan ko iyon?" pagrarason niya sa mga ito. May bahid nang hinanakit ang bawat salita niya. "Tsaka may negosyo tayo. Napag-aralan ko na kung papaano humawak ng negosyo. Hindi ba't sapat na iyon para masiguro na may maganda akong future?"
Umiling lamang ang mga magulang niya.
"Para sa ikakabuti mo ito," malumanay na pagtatapos ng ama niya.
Wala siyang nagawa kundi ang magwalk out.
Ilang araw din siyang nagkulong sa silid at pinag-isipan ang mga desisyon nang mga magulang.
Against siya sa pagpapakasal. Ni wala pa nga sa isipan niya ang bagay na iyon. Hindi niya alam kung anong ginawa nang lalaki para mapapayag ang magulang niya.
**
Nagkaroon ng maliit na pagsasalo ang pamilya niya at ang pamilya nito. Inimbitahan sila nito na maghapunan sa mansiyon nito sa Batangas ilang linggo matapos ang pag-uusap ng magulang niya at ng lalaki. Nakilala niya ang isang babaeng kapatid nito na mas bata lang ng kaunti sa kanya at batang lalaki na sa tanyiya niya ay nasa walong taong gulang pa lamang.
Hindi niya rin inaasahan ang pagiging magiliw ng mga magulang nito sa kabila nang marangyang pamumuhay nito.
Naisip niya.. lilipas lang ang maikling panahon at dito na siya maninirahan. Hindi ba't pangarap niyang magkaroon ng mansiyon? Matutupad iyon kapag nakasal na siya sa lalaki. Subalit bukod doon ay pangarap niyang sumikat bilang idol na malabo na niyang magawa kapag natali dito.
"Hihintayin lang natin na mag-eighteen si Sofia bago isagawa ang pagpapakasal," narinig niyang wika nang nanay ni Nicholas.
"Gusto ko engrande ang magiging kasal ng panganay ko," tatawa-tawa namang wika ng ama ni Nicholas. Tinapik-tapik pa nito ang lalaki pagkatapos.
"Iisa lang ang hihilingin ko sainyo," narinig niyang wika ng ama niya. "Don't hurt my princess. She's the only one we have,"
Sukat na marinig ay napatingin siya sa ama. Nakikita niya ang namamasang mga mata na tila nagpipigil sa pag-alpas ng luha.
Hindi naman kailangan gawin ang kasal diba? Bakit ba kasi nagkaroon ng biglaang fix marriage? Hindi niya maintindihan.
Mahal niya ang mga magulang niya kaya hindi na siya umapela pa sa desisyon nito. Alam niya naman kasi na siya lang ang iniisip ng mga ito kaya nagawa ng mga ito ang kasunduan. At pinagkakatiwalaan niya ang mga ito. Siguro sa una ay maninibago siya subalit alam niya na makakasanayan niya rin ang daang tinatahak.
BINABASA MO ANG
Running Idol (Completed)
RomanceFix Married at the age of 18, hindi pa handa si Sofia na matali sa isang habang buhay na commitment. Nais niya pang matupad ang pangarap niya -- ang maging isang Kpop Idol. So, she fled to South Korea and chase after her dream leaving all her commit...