Hindi kaagad nakasagot si Sofia. Tila ba tinatakasan siya ng hininga sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya.
Oo, hindi na siya nasanay sa mga tingin nito na parang nakakatunaw. Kahit bahagyang madilim sa study room nito dahil tanging lampshade lang ang ilaw sa pagitan nila ay banaag niya pa rin ang mukha nito.
Seryoso ang anyo nito na nakatingin sa kanya.
Tumikhim siya upang ayusin ang lalamunan. May naisip siyang pwedeng itugon dito.
"Ikaw ba? Naiisip mo rin ba ako?" balik-tanong niya rito.
Nakita niya ang pilyong ngiti na bumalatay sa labi nito. May nakakatuwa ba sa sinabi niya?
"You never stopped running in my mind these past five years," tugon nito. "Masakit lang isipin na balewala ako saiyo," may bahid nang kalungkutan sa mga binibitawan nitong salita.
"Nicholas..." tanging nasambit niya na halos pabulong.
Nagsimula itong humakbang papalapit sa kanya. Nais niyang umatras pero hindi niya magawa. Tila nanigas ang mga paa niya mula sa pagkakatayo.
Nais niya ring iiwas ang mga mata dito pero nag-eenjoy siya na salubungin ang mga mata nito.
Marami siyang katanungan dito. Iyon na ba ang tamang pagkakataon para buksan iyon?
Hindi niya napigilan na makagat ang ibabang labi niya nang huminto ito ilang pulgada lang ang layo sa kanya.
Para namang tinatakasan siya ng hangin nang magsimula ang sunod-sunod na paghugot niya nang hininga.
Nagsimula na ring bumangon ang sensasyon na matagal nang nakakubli sa kanya. Hindi niya alam kung guni-guni lang ba o sadyang nararamdaman niya ang panginginig nang mga tuhod niya.
Limang taon ang nakakalipas simula nang ganito sila kalapit ni Nicholas. At parang naninibago nanaman siya sa labis nilang pagkakalapit.
Naaamoy niya pa ang pabangong ginamit nito.
"But after all you've done, I still want you. I still desire you," mahinang wika nito.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya. Ganito ba ang paraan ni Nicholas nang pangongonsiyensya sa kanya?
Nakita niya pa ang unti-unting pagbaba nang mukha nito sa kanya. He's going to kiss her! Imbis na umalma ay napapikit na lamang siya at hinintay ang pagdapo nang labi nito sa kanya.
Ilang saglit lang ang lumipas nang sakupin nito ang labi niya. Napahawak siya sa dalawang balikat nito nang kaagad na lumalim ang nagsisimulang halik nito.
Hindi na siya nagdalawang-isip pa at tinugon niya ito. Hinapit pa siya nito nang mas malapit upang magsalubong sila.
Ang kaninang mabagal at malalim na halik ay bumilis. Nararamdaman niya ang bawat diin sa labi nito. Bakas ang pananabik sa bawat galaw nito.
Pinantayan niya rin ang bawat galaw nito. Parehas lang silang sabik sa haplos nang isa't-isa.
Ikinawit niya ang dalawang kamay sa batok nito at hinapit pa ito nang mas malapit.
Mas bumilis pa ang halik nito. Nararamdaman niya pa ang panginginig nito sa labis na pananabik.
Hindi pa ito nakuntento. Saglit itong tumigil, hinawi ang mga nakalagay sa cabinet sa likuran niya at walang kahirap-hirap na binuhat siya nito at iniupo doon.
BINABASA MO ANG
Running Idol (Completed)
RomansaFix Married at the age of 18, hindi pa handa si Sofia na matali sa isang habang buhay na commitment. Nais niya pang matupad ang pangarap niya -- ang maging isang Kpop Idol. So, she fled to South Korea and chase after her dream leaving all her commit...
