Chapter IX

6.6K 95 3
                                    

Mauban, Quezon Province.


Huminto na ang sinasakyan nila Sofia. Isang malaking van iyon kung saan kasama niya ang grupo, si Manager Lee, at ang mga Personal Assistant ng bawat miyembro.

Ilang oras din ang naging byahe nila. Saglit lang silang nakatayo. Iyon ung oras na lumipat sila ng sasakyan pagkababa ng eroplano.

Naalala niya bigla si Raquel. Nasaan na kaya ito? Kamusta na kaya ito? Nakokonsensiya siya dahil nasaktan niya ito. Maging siya ay nagulat sa nagawa niya sa babae. Nasanay na siyang nasa tabi lamang niya ang babae. Nanibago tuloy siya nang walang nag-aasikaso sa kanya.

Dapit hapon na iyon at malapit nang magdilim. Sinakto nila ang pagdidilim ng araw upang maka-iwas sa mga mata ng tao.


Pagkababa pa lang nila ng Mauban Port ay sumalubong sa kanila ang isang tila katutubo na sa nayon. Simpleng maluwag na faded na pantalon at t-shirt lang ang suot nito. Nagsalita ito ng Ingles na di mo aakalain na may kakayahan ito dahil sa hitsura - hindi naman sa panlalait.


Iginiya sila nito sa naka-abang na malaking bangka na magdadala sa kanila sa Cagbalete Island.

Lumulan na sila doon. Isa-isa silang binigyan ng lifeboat nang isa pang kasama nito na nakalulan na doon.bMaganda sana kung umaga sila papalaot para makita nila ang kapaligiran. Pero masyadong maingat si Manager Lee. Mas okay nang hindi sila mag-enjoy basta wag lang silang pagpiyestahan ng mga paparazzi.


Mahigit trenta minutos  ang lumipas nang huminto ang sinasakyan nila. Nabalot ng pagtataka ang lahat at hindi naiwasang magkatinginan.


"The island is still there," turo nang katutubo sa malayong isla. "The  boat can no longer get near because from here,it is already a private property," pagkasabi ay kumuha ito ng flashlight at inilawan ang mga nasa pampang.

Tila ba nagbibigay ito ng signal.


Natatanaw nila ang ilaw sa isla subalit napaka-liit pa no'n patunay na labis pa ang layo nila sa isla. Nagtinginan naman ang mga kasama niya. Hindi kasi lahat sa kanila ay marunong sa Ingles.


May isang bangka ang lumapit sa kanila mula isla. Kung ikukumpara sa kinalalagyan nila ay mas moderno iyon.


May nga naka-unipormeng lalaki ang nakalulan doon. Lumapit ito at naglatag ng malapad na kahoy na matatawiran nila papunta rito.


"You cross there," sabi pa nang katutubo sa kanila.


"Hindi ba pwedeng kayo na lang ang maghatid sa amin papuntang isla?" tanong niya sa katutubo.


Napakamot ito ng ulo. "Pribado na po ang tubig mula dito hanggang isla. Hindi po kami pwedeng tumawid," paliwanag nito.


"Dangsin-i museun mal-eulhaneungeoya? (what are you saying?)" nacucurious na tanong ni Mina sa kanya.

"Daleun boteuwa gyochahaeyahabnida. (We should cross to the other boat)" sabi niya sa mga ito.


Napatingin pa ang mga ito sa pagitan nang dalawang bangka. Hindi nila alam kung gaano kalalim ang tubig sa ilalim nila.

"Igeos ioeui daleun bangbeob-i issseubnikka? (Is there any way other than this?)" kinakabahang tanong ni Jia.


"Eoseo, yaedeul a! (come on girls!)" deklara na ni Manager Lee na bakas ang pagkabugnot.


Ito na ang naunang tumawid. Sumunod naman ang ibang kasamahan nila. Sumunod na rin naman siya sa mga ito.

Isa-isa ay nagawa rin nilang tumawid sa kabilang bangka.


Running Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon