Chapter XII

6.2K 96 0
                                    

Nasa kasagsagan nang tulog ang lahat nang gisingin sila ni Manager Lee. Madali sila nitong pinag-ayos at pinapunta sa conference room kung saan naghihintay si Chairman Han.

Hindi maipinta ang mukha nito nang dumating sila. May problema ba? Parang kagabi lang ay masaya sila ah?

Dahil ba umaga na sila umuwi? Hindi pa sila nakakakumpleto nang tulog. Nagagalit kaya ito dahil doon?

O kaya ay may sorpresa nanaman ito sa kanila na magandang balita gaya nang ginawa nito nang nakaraan?

"Wae naega gingeub hoeuie jeonhwahaessneunji algo issni? (Are you aware why do I called an urgent meeting?)" may awtoratibo nitong simula nang maka-upo sila.

Tinignan niya si Manager Lee. Seryoso ang mukha nito. Nacucurious tuloy siya sa nagaganap.

"Uli hante nollab ni? (You have a surprise to us?)" naeexcite na tugon ni Dana.

Tumango-tango naman sila bilang pagsuporta sa sinabi nito.

"Geudeul-eul boyeojwo. (Show them.)" seryoso pa ring wika ni Chairman Han kay Manager Lee.

Hawak ang tablet ay inilapag ni Manager Lee ang bagay sa harapan nila.

Halos manlaki ang mata niya nang makita ang sarili sa front page niyon at .... kasama si Nicholas at Steffi.

Kinuha  niya ang bagay at itinaas. Binasa niya ang headline.

The Pearl Maknae Sopi of Yellow Daisy unleashed a very dark secret from the past.

Binasa niya pa ang article.

Yellow Daisyui Idol Sopineun Luxe Companyui CEOwa gyeolhonhayeo ttal-i issdaneun sasil-eul al-a naessseubnida. Uli sosigtong-e ttaleumyeon, sopineun pillipin-eseo nampyeongwa ttal-eul hangug-ui usang-eulo beolyeossda. geuligo dan hana in cheoghasibsio. jin maka ne?sopiga jigeum dangjang gajigoissneun seong-gong-eul nulil jagyeog-i issni?  (Idol Sopi of Yellow Daisy found out to be married to a CEO of Luxe Company and is having a daughter.According to our source, Sopi abandoned her husband and daughter from Philippines to be an idol here in South Korea. And pretend to be single. Pearl Maknae huh?Does Sopi deserve this succes she is having now? )

Galing ang article na iyon sa isang blog critic nang mga celebrity na may mataas na reputasyon sa South Korea. Nang mga nakaraang taon ay madalas silang nai-fefeauture sa blog nito subalit puro positibo iyon. Ngayon? Alam niya na masisira ang grupo nila dahil sa kanya.

"Hangsang ne bimil-i tteooleul geola gidaehagoiss-eo. (I'm always expecting your secret will float anytime.)" simulang wika ni Chairman Han sa kanya.

Naramdaman niya pa ang biglang pag-iinit nang sulok nang mga mata niya. Naiiyak siya dahil pakiramdam niya ay iyon na ang simula nang pagbagsak niya.

"Yeonhab-eul bujeong hal su issseubnida. Gyeolgug ajig somun-i issdamyeon. jeung-geoga-eobsneun jujang-eun somun-ilago hal su issseubnida. Nikollaseuwa iyagihagoi il-eul bu-inhalago malhaeyahabnida. (You can deny the allegations. After all it still a rumor. An allegation without proof can be called a rumor. You should talk to Nicholas and tell him to deny this matter.)" wika ni Manager Lee.

"Hajiman dangsin-i geugeos-eul eotteohge sumgil ji sang-gwan-eobs-i jinsil-i deuleonal geos-ibnida. (But a truth will surface no matter how you hide it)" wika ni Ajoo.

"Uliga hal su-issneun il-eun donglyo dongsaeng-eul bohohaneun geos-ibnida. (All we can do is to protect our fellow sister against those bashers.)" suporta ni Jiya.

Hindi siya nagsasalita. Deny them? Parang ang bigat sa puso kung gagawin niya iyon. Nasaktan na niya si Nicholas at lalo niya lamang itong masasaktan kung idedeny niya ito sa buong mundo.

Running Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon