After Nine Months
Sa isang malakas na pag-ire ay tuluyan nang lumabas sa mundo ang sanggol na dinadala niya.
Nasa ulunan niya lang si Nicholas na nagsisilbing tagabigay ng suporta sa kanya.
Tama nga ang sabi nang lahat, masakit ang manganganak - na nasa isang paa ang hukay. Sa labis na sakit ay hindi niya alam kung mabubuhay pa siya. Pwede naman siyang magpaturok nang pampamanhid pero mas minabuti niyang maranasan ang sakit. Nais niyang maintindihan ang naging pakiramdam ng ina niya habang inilalabas siya sa mundo.
Nakaramdam siya nang kagaanan nang loob nang marinig ang iyak nang anak niya.
Hindi niya naiwasang mapangiti. Nakikita pa niya na hawak nang doktor ang anak niya. Nais pa sana niyang samyuin ang anak kung di lang siya nakaramdam nang pamimigat nang mga mata.
"Anong gusto mong ipangalan natin sa kanya?" narinig niya pang tanong sa kanya ni Nicholas.
"Steffi..." sabi niya na halos pabulong. Unti-unti na kasing napapapikit ang mga mata niya. "Steffi Nicole ang ipangalan mo sa kanya..." pagkasabi'y tuluyan nang sinakop ng dilim ang sistema niya.
**
Natagpuan ni Sofia ang sarili sa isang malaking pribadong silid. May mga nakakabit pa sa kanya na dextrox. Sa gilid niya ay nakita niya ang bestfriend na si Raquel.
"Buti naman gising ka na..." nakangiti nitong wika.
"Si Nicholas?" tanong niya rito. Minsan pang nilibot niya ang tingin pero hindi niya nasumpungan ang lalaki.
"Umalis saglit. Tinawagan niya ako para magbantay saiyo. May aasikasuhin daw kasi siya.." paliwanag nito.
"Trabaho nanaman?" mahina at halos pabuntong-hininga niyang wika.
Tinapik-tapik naman siya ni Raquel upang magbigay simpatya sa kanya nang makita ang biglang paglungkot nang ekspresyon niya.
"Gusto mo ba makita si Baby Steffi?" tanong nito sa kanya na medyo naeexcite pa.
Hindi siya tumugon. Nag-iwas lamang siya ng tingin dito. Oo, kanina nakaramdam siya ng tuwa pero sa kabila no'n ay may mumunting protesta pa rin ang puso niya na hindi masaya sa nangyayari.
Masama ba siya kung di siya masaya para sa anak niyang si Steffi?
**
Three months later
"Professor Hernan!" bulalas niya nang makita ito sa cafe na pagkikitaan nila ni Raquel. Kasama nito ang babae.
"Nagkita kami ni Mr. Hernan sa labas. Nasabi ko na magkikita tayo. Gusto ka rin niya makita. Tiyak na magugustuhan mo ang ibabalita niya saiyo!" masayang wika ng kaibigan.
Tumingin siya sa professor. Nasa mid-thirties na ito. Medyo may katabaan ito dahil mahilig itong kumain. Pero kilala niya ito na maraming koneksyon dahil galing ito sa mayamang pamilya. Ito ang nag-oorganise ng mga contest sa unibersidad nila. Suki siya ng mga patimpalak kaya kilalang-kilala siya nito. Hindi rin lingid dito ang ultimate dream niya maging isang K-pop idol!
"Kamusta na, Sofia? Nabalitaan ko kay Raquel na may baby ka na.." sabi nito na umupo sa harapan na upuan niya.
Ngumiti siya ng tipid pagdaka'y nagbigay ng tango.
"You seemed not happy about it?" tanong nito.
Kahit gustuhin man niyang sabihin dito ang nararamdaman ay hindi niya magawa. Wala siyang balak na ilabas ang problema sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Running Idol (Completed)
RomanceFix Married at the age of 18, hindi pa handa si Sofia na matali sa isang habang buhay na commitment. Nais niya pang matupad ang pangarap niya -- ang maging isang Kpop Idol. So, she fled to South Korea and chase after her dream leaving all her commit...