Chapter XIII

6.6K 84 0
                                    

Seoul, South Korea, After 1 month

Isang international annual awarding ang nauna nang magpamigay nang mga tropeyo nang tagumpay.

Unang beses na gaganapin sa South Korea ang nasabing engrandeng awarding dahil kadalasan ay sa labas ng bansa ito ginaganap. Ginanap ito sa pinakamalaking dome sa Seoul.

Inatinan iyon ng mga malalaking pangalan sa industriya ng showbiz sa Asya. Hindi rin kasi pipichugi ang mga celebrity na kasama nila doon. Mga sikat na celebrity iyon sa Asya! Kaya naman bahagya siyang nakakaramdam ng pressure.

Nominado ang Yellow Daisy bilang Artist of The Year, ang kanta nilang When He Looks bilang Song of The Year, Ang album nila na pinamagatang Teenage Love bilang Album of the Year, at ang choreography nila sa When He Looks bilang Best Dance Performance - Female Group.  Nominado din sila bilang Best Female Group. Ngayong taon ay nakasungkit sila nang napakadaming nominasyon para sa isang awarding. Umaasa pa siyang mananalo kahit na kalaban nila ang sikat na Beyond Your Heart na boygroup at ang kakompetensiya nilang Nice Girls.

May performance sila nang gabing iyon kaya maaga pa lang ay nasa venue na sila para makapagsanay. Nakatakda nilang iperform ang When He Looks.

Hinayaan naman siya ni Chairman Han na magperform sa kabila nang pagtutol nang mamagement ng awarding na wag na siyang isama. Iyon ulit ang unang beses na lalabas siya ng publiko pagkatapos nang issue na kinasangkutan. Kahit na hindi siya sigurado kung magiging maganda pa rin ang trato sa kanya nang mga tao.


Nagsimulang mamatay ang ilaw sa buong stadium. Iyon na ang hudyat nang pagsisimula nang performance nila. Bahala na! Basta gagawin niya ang best niya sa pagpeperform.

Nang bumukas ang ilaw ay nagsimula na silang sumayaw. Ipininid niya ang mga tainga sa mga pamboboo na nagsisimula niyang marinig galing sa mga tao.

Mapaghanggang ngayon kasi ay hindi pa siya nagbibigay ng sagot sa nangyari.

Oo at inalis ng sikat na blogger ang litrato ni Nicholas at Steffi maging ang pagkakasambit nang pangalan nito sa artikulo subalit hindi pa rin nawala sa pagkakadiwa ng artikulo ang ginawa niya sa dalawa.

Nabalitaan niya na nagsampa ng kaso dito si Nicholas na ginatungan ng management nila para sa invasion of privacy pero pinanindigan nito ang nailathalang artikulo.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakaka-usap si Nicholas.

Magkahalong tilian at booing ang natanggap nila sa mga tao. Pero hindi maiaalis na malakas pa rin ang dating ng Yellow Daisy sa mga tao dahil sa patuloy na pagsuporta nang mga ito sa mga kanta at album nila.

Namatay ang ilaw, natapos na ang performance nila, at nagproceed na sa awarding.

Pagkatapos ng performance ay nagpalit sila ng damit at nagretouch pagdaka'y sumalo na sa mga idol na naka-upo sa harapan. Sa bandang likuran ay ang mga fans.

Katabi lang nila ang grupong BYH. Nabigla pa siya nang sumalo ang grupo sa kanila.

Nagbigay ang mga ito ng suporta sa kanila. Lalo na sa kanya na kahit papaano ay naka-ibsan ng tensiyon sa kanya.

Idineklara na ang nanalo sa kategoryang Best Dance Perfomance - Female Group. Halos mapatayo ang mga kasamahan niya nang maideklara ang pangalan nang grupo nila na Yellow Daisy.

Nasungkit din nila ang award sa Best Female Group. Subalit hindi siya hinayaan ni Manager Lee na umakyat sa stage upang tanggapin ang award.  Anito ay baka ibash lamang siya ng mga taong nanunuod. Nadismaya man ay hindi na siya tumutol. Para din sa ikabubuti niya iyon.

Running Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon