Alas-tres na nang hapon nang makarating si Nicholas kasama si Steffi. Nakita naman agad niya ang manager nito na si Mr. Lee na lumapit sa kanya at nagbigay ng bahagyang yukod. Nakipagkamay naman siya dito.
"How's your day? Are the girls enjoying?" tanong niya rito.
"Where is Tita Sofia, daddy?" singit ni Steffi na hinahatak ang laylayan ng damit niya.
Napatingin si Mr. Lee dito. "Is that Sofia's daughter?"
Hindi na siya nagulat nang magtanong ito. Alam naman niya kasi na hindi maitatago ni Sofia sa management nito ang tungkol sa kanila.
Bumaling siya sa katulong at inutusan ito na dalhin muna si Steffi sa silid nito pagdaka'y muling bumaling kay Mr. Lee.
"She is," tugon niya rito.
"She and Sofia are absolutely look-alike," puna nito. "And its dangerous,"
"I'm sorry?" napakunot siya ng noo sa sinabi.
"Pardon for my impertinence. I know you are aware of your wife as famous celebrity. It will not be good if people will find out she has a daughter, we can play on your part but on child, we can't," malumanay nitong masabi.
Lihim na nagkuyom ang palad niya sa mga sinabi nito. Isa siyang disiplinadong tao kaya mas pina-iral niya ang pagiging kalmado sa kabila nang mga below the belt nitong salaysay.
"I am well aware of that. I have already discussed it with Sofia," tugon nito.
"Good," tatango-tango nitong wika. "I like your resort. We can have our photoshoot here some other time and endorse it to the world,"
"Do as you please," kaswal niya pa ring tugon nito.
"And I am also aware you own the ever-so prestigious Luxe Company. We can have a formal meeting after this. I will propose my girls to model your product. It can boost your company's market," sabi pa nito.
"Let's see to it. I appreciate your interest on my company," sabi na lamang niya dito. Nawalan siya ng interest makipag-usap sa manager ni Sofia.
Mababakas kasi ang kayabangan sa tinig nito. Talagang hindi nito nakikilala kung sino ang kaharap nito. He can drag him down if he wanted to. Kaya siguro naging dahilan din iyon kung bakit sila natiis ni Sofia.
Magalang siyang nagpaa-alam dito pagdaka'y tumungo na sa private resthouse nila.
Bihira lang siyang tumungo sa resort nila maliban na lang kung dito nagaganap ang meeting niya with the investors. Ngayon lang ulit siya nakapunta sa loob ng isang taon. May itinalaga naman siyang tagapamahala dito na nagbibigay sa kanya ng monthly report. Sa nakikita niya ay wala namang nagiging problema.
Napahinto lang siya sa paglalakad nang may mahagip na pamilyar na imahe.
Si Sofia. Kasalukuyan itong bumibili ng salbabida. Hindi niya napigilan ang sarili na hagurin ang kabuuan nito.
Nakasuot ito ng two-piece bikini. Litaw na litaw ang ganda at kinis ng katawan nito. Idagdag pa na naeemphasize ng suot nitong bra ang dalawang mayayamang dibdib nito.
Naka-focus ito sa tindero kaya hindi siya napapansin. Samantala, nakita naman niya ang paraan nang pagkakatingin dito ng tindero. Kulang na lang ay sagpangin nito ang babae.
Hindi niya alam subalit nakaramdam siya ng inis. Inis dahil may ibang nagnanasa kay Sofia. Gaya nang nararamdaman niya ngayon.
Mabilis at mabibigat ang mga hakbang na tinumbok niya ang daan papunta sa tindahan.
BINABASA MO ANG
Running Idol (Completed)
RomanceFix Married at the age of 18, hindi pa handa si Sofia na matali sa isang habang buhay na commitment. Nais niya pang matupad ang pangarap niya -- ang maging isang Kpop Idol. So, she fled to South Korea and chase after her dream leaving all her commit...