Ilalabas nila ang kantang When He Looks na kasama sa album nilang Bright Love. Tinatalakay sa kantang ito ang isang teenager na may crush. Na sa tuwing titingin ang crush nito ay kinikilig.
Kinabukasan din nang pagbabalik niya ay nagsimula na silang magtaping ng music video. Tatlong araw nang gaya nang sabi ni Mr. Han.
Sa ikaapat na araw ay nagpulido na sila ng dance step para sa dance practice video naman nila.
Bukod sa pagiging Main rapper ay siya din ang Main Dancer ng grupo. Marami siyang idea na dance step na nai-contribute sa grupo. Sinigurado niyang magiging mahirap ang dance step nila upang mamangha ang mga tao.
Naging layunin kasi nila na taasan ang standard girl group performance. Karamihan kasi sa girl group ay may mga dance step na cute or pabebe. Gusto nilang higitan iyon. 'Yung masasabi nang mga tao na ang astig nila pero cute! Pribileheyo na kung mananalo sila ng Best Dance Choreography.
"Nollaun yeoja! Neoneun jal haess-eo! (Amazing girls! You did a great job!)" masayang deklara ng choreorapher nila na si Song Hyun-Ah.
Sa wakas kasi ay napulido na nila ang sayaw. Ngayon ay maghahanda naman sila para sa comeback nila sa Mnet. Pero nagpatawag muna ng break si Hyun-Ah. Nagkaroon kasi ito ng biglang meeting sa kay Chairman Han.
Naiwan sila sa studio. Iyon naman ang naging pagkakataon nila upang makapagbonding sa isa't-isa - yung walang kamera na nakaharap. Talagang sila lang.
"Ibwa yo! Eodi gassda? (Hey! Where have you gone?" tanong ni Ajoo sa kanya.
Umupo sila sa gitna ng studio at nag-indian seat ng pabilog. Hindi alam ng mga ito ang tungkol sa sikreto niya. Mahigpit na bilin ni Mr. Han na wala siyang pagsasabihan na kahit sino maging ang mga kasama niya.
Hindi niya pa pala nasabi na si Ajoo ang pinakamatanda sa kanila. Ang tawag nilang kadalasan kay Ajoo ay Ajoo-Unnie. Siya naman ang pinakabata sa kanila. Tinagurian siyang Pearl Maknae nang grupo.
Ang pearl ay sumisimbolo sa purity and innocence. Marami kasing nagsasabi na mala-anghel daw ang mukha niya - napaka-inosente at tila walang kamuwang-muwang sa mundo. Idagdag pa na siya ang pinakabata kaya mas lalo siyang bina-baby nang grupo.
Kung alam lang ng mga ito ang lihim niya. Mananatili pa rin kaya ang titulo niyang Pearl Maknae?
"Naneun wae naega pillipin-eseo naui gajog-eul bangmunhaessneunjie daehan hyangsubyeong-eul gajigo iss-eossda. (I had a homesick that's why I visited my family in the Philippines)" Tanging paliwanag niya sa mga ito.
"Naneun pillipin-edo gago sipda! (I want to go to Philippines as well!)" masayang wika ni Dana. Pangalawa ito sa pinakabatang miyembro.
"Gyeong-yeongjin-i ulileul bojamyeon! (As if the management will let us!)" iirap-irap na wika ni Mina. Ito ang pangalawa sa pinakamatanda sa grupo. At tila mas matured pang mag-isip kaysa kay Ajoo.
"Geuleona uliga 1 wie ollassdamyeon ama pillipin-e hyugaleul gajge hal geos-ibnida! (But if we made it to number one, they will probably let us to take a vacation to Philippines!)" masayang wika ni Jia. Ito naman ang pinaka-isip bata sa kanilang lahat. Ito lang naman ang pangatlo sa pinakamatanda at pinakabata. Ito ang pinaka-kikay sa kanila at ito lang naman ang face of the group. Nagsisideline kasi ito sa mga K-drama.
"Gwonli! Gwonli! (Right! Right!)" pagsang-ayon ni Ajoo.
"Seong-gong-eul wihaeseo! (For success!") malakas na sigaw ni Jia. Nilapat nito ang kamay sa gitna.
Nagkatinginan sila sa isa't-isa pagdaka'y napangiti. Tila ba nagbigay ng gana ang mga sinabi ni Jia sa kanila. Hindi niya alam kung totoo pero sa tingin niya ay naimagine ng grupo ang senaryo na nagnunumber one sila kaya napangiti ang bawat isa.
BINABASA MO ANG
Running Idol (Completed)
RomanceFix Married at the age of 18, hindi pa handa si Sofia na matali sa isang habang buhay na commitment. Nais niya pang matupad ang pangarap niya -- ang maging isang Kpop Idol. So, she fled to South Korea and chase after her dream leaving all her commit...