After 12 months of Marriage
Alas-kwatro na nang hapon. Kaagad na binuksan ni Sofia ang telebisyon at itinutok sa KBS channel. May live broadcast kasi ng MAMA kung saan nominado ang paborito niyang grupo.
Simula nang makasal siya kay Nicholas ay naging mahigpit ang lalaki sa kanya. Bihira na nga lang siya makalabas kasama ang mga kaibigan. Hatid-sundo pa siya ng bodyguard na ipinadala nito.
Alam din nito ang schedules ng mga subject niya at kung kailan ang free time niya.
Wala na siyang subject nang araw na iyon kaya as usual sinundo na siya nang bodyguard niya.
Hindi na rin naging lihim sa buong unibersidad nila ang pagkakatali niya sa lalaki. May mga naging feeling close sa kanya lalo na ang mga profesor niya.
Namamasyal naman sila nang lalaki isang beses sa isang linggo. Talagang abala lang ito sa negosyo nito sa ibang anim na araw.
Kung susumahin, hangga't maaari, nais siya nitong nasa bahay lang.
Nagiging mundo na niya ang apat na sulok nang silid niya. Pagkatapos nang kasal ay sinimulan na niyang mabuhay kasama ito sa binili nitong bahay sa Taguig. Doon sila kasalukuyang nakatira ngayon dahil malapit lang iyon sa kompanya nito.
"Ayan na," tili niya nang lumabas na sa screen ang BYH.
Sasayawin nito ang latest single nito. Kabisado na niya agad ang dance step nang grupo dahil simula nang irelease iyon ay araw-araw niyang pinapanuod ang dance practice nang grupo.
Tumayo siya sa harap nang telebisyon at ginaya ang pambungad na formation. Nang magsimula ang performance nito ay nagsimula na rin siyang sumayaw.
Marami na ngang nagbago sa buhay niya. Dati, suki siya ng dance contest sa unibersidad nila subalit ngayon ay hindi na. Hindi na siya nakakasali dahil sa mahigpit na pagbabantay ng lalaki.
Ilang buwan na rin nang huli siyang makasayaw. Ngayon na nga lang niya ulit nagawa ito. Alam nang Diyos kung gaano niya kagusto ang pagsasayaw. At kahit nakatali na ay hindi pa rin nawawala sa puso niya ang pangarap na maging K-pop Idol!
Nangangarap pa rin siya na balang araw ay makakasayaw niya ang BYH sa international stage!
Imposibleng mangyari diba? Pero di siya nawawalan nang pag-asa.
Napatigil lamang siya sa pagsasayaw nang may marinig siyang tumikhim mula sa likuran niya.
Kaagad niyang nilingon kung sino iyon. Nakita niya ang lalaki na nakatayo at nakasandal ng patagilid sa bukana nang silid niya.
"N-Nicholas.." mahinang wika niya.
"Kung ako saiyo hindi ko gagawin ang magsayaw," seryoso nitong wika.
Napakunot ang noo niya. Hindi niya naiwasan na magtaka sa nais nitong ipabatid sa kanya.
Tila naintindihan naman nito ang response niya nang muli itong magsalita.
"You might be pregnant by now," dagdag nito.
Sukat na marinig ay napahawak siya na tiyan niya.
Imposible. Wala pa namang senyales na buntis siya.
"H-hindi pa naman siguro..." tugon niya rito.
Nakita niya ang paghugot nito nang hininga. Umahon ito sa pagkakasandal at lumapit sa gawi niya.
Napaatras siya nang malapit na ito subalit nilagpasan lang siya nito at dumiretso sa telebisyon. Pinatay nito iyon.
BINABASA MO ANG
Running Idol (Completed)
RomanceFix Married at the age of 18, hindi pa handa si Sofia na matali sa isang habang buhay na commitment. Nais niya pang matupad ang pangarap niya -- ang maging isang Kpop Idol. So, she fled to South Korea and chase after her dream leaving all her commit...
