Seoul, Korea
"Sinabi niya iyon?" nanlalaking mata na tanong ni Sofia kay Raquel nang muli itong bumalik sa kanya.
Nasa Dormitoryo sila no'n. Wala ang mga kasama niya dahil nag-shopping ang mga ito. Mas pinili naman niyang maghintay kay Raquel.
Tumango ang babae. Pabagsak itong umupo sa kama na kinauupuan niya habang napatayo naman siya. Nagsimula siyang maglakad ng paroo't-parito.
"Grabe naman!" napahawak siya sa dalawang baywang. Mahihimigan na ang pagka-inis sa tinig niya "Hindi niya ba nakikita ang effort ko? Najujustify ba ang effort sa presence lang? Hindi niya ba naisip na mahirap para sa akin ang pagsabayin ang career ko at sila?"
"Iyon ang sabi niya eh.." kibit-balikat na tugon ni Raquel.
"Kasalanan mo ito eh," Huminto siya sa paglakad-lakad at bumaling sa babae. Tinuro niya ito. "Kung di mo ininsist sa akin na balikan ko sila, hindi naman magkakagulo eh. Wala naman akong problema noong pagiging idol ko lang ang iniisip ko.."
"Ano? Ulitin mo nga ung sinabi mo?" napatayo ito na ikinaatras niya. Nawala bigla ang inis niya nang makita niya ang pagtigas ng ekspresyon ni Raquel. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Sofia? Asawa at anak mo ang itinatanggi mo? Anong klaseng puso mayroon ka? No wonder kaya mabigat ang loob saiyo ni Nicholas! Dahil wala kang kwentang tao! Makasarili ka! Wala kang kwentang ina, wala kang kwentang asawa! You don't deserve both of them and neither they don't deserve you!"
Sabi labis na inis ay hindi niya napigilan na sampalin si Raquel. Dumapo ang palad niya sa kaliwang pisngi nito. Agad naman itong napasapo ng pisngi.
"Wala kang karapatan para magsalita sa akin ng ganyan! May napatunayan ka na ba? Wala! Kaya sino ka para pangaralan ako," madiin niyang wika. Nararamdaman na niya ang pangingilid nang mga luha sa mata niya.
"Sinuportahan kita sa pangarap mo dahil bestfriend tayo. Pero di rin ibig sabihin na kinunsinte kita na talikuran ang pamilya mo. Nagbago ka na, Sofia! Lumaki na ang ulo mo!" nakita niya ang panginginig ng ibabang labi nito. Maging ang naluluhang mata nito.
"Sinasabi mo yan dahil naiinggit ka sa'kin! Marami kasing nagmamahal sa akin," banat niya pa rito.
"Sa tingin mo ba kaya ka mahal ng mga fans mo dahil sa kung sino ka? Mahal nila kung anong magagandang bagay ang nakikita nila saiyo. Hindi ang pagkatao mo!" ganti nito. "Wag mong hintayin na mawala ang mga taong totoong nagmamahal saiyo, Sofia. Bago mahuli ang lahat," pagkasabi nito ay tuluyan na itong umalis ng unit nila.
Naiwan siyang hindi makapagsalita sa mga binitawan nito. Walang kwentang ina? Walang kwentang asawa? Siguro nga ay kaya wala na siyang balak balikan ni Nicholas dahil sa wala siyang kwentang tao. Siguro nga tama ang judgment ni Raquel sa kanya.
Iyon ang unang beses na nag-away sila ni Raquel. Nasaktan niya ito gayong nagsabi lang naman ito ng katotoohanan. Talaga bang nabubulag na siya ng kasikatan at yaman?
Madali siyang sumubsob sa kama at doon ay tuluyan nang humagulgol. Sa ngayon ay gusto niyang mapag-isa. Hinihiling niya lang na sana ay hindi pa dumating ang mga kasama niya.
**
Nagmamadaling binuksan ni Steffi ang regalo nang malaman nito na galing kay Sofia ang bagay.
Nasa kwarto siya ni Steffi. Kaagad itong dumiretso sa silid hawak ang regalong ibinigay ni Sofia.
Nang mabuksan ay bumungad sa kanila ang isang set na makulay na damit.
High waist denim short na pa-A shape na may disenyong medyo himulmol sa laylayan ang paimbaba na ibinigay nito. Tinernuhan naman ito ng dilaw na sleeveless na crop top na pa-ekis ang tirante sa likuran. May partner iyon na denim blazer na kulay dark green. May kasama din iyong itim na half an inch sneaker boot.

BINABASA MO ANG
Running Idol (Completed)
RomanceFix Married at the age of 18, hindi pa handa si Sofia na matali sa isang habang buhay na commitment. Nais niya pang matupad ang pangarap niya -- ang maging isang Kpop Idol. So, she fled to South Korea and chase after her dream leaving all her commit...