Chapter IV.I

7.2K 90 0
                                    

"Ikaw na ang bahala sa anak ko," sabi pa ng ama ni Sofia bago siya nito ibigay sa lalaki.

Tumugon lang ng ngiti ang lalaki dito. Minsan pang tumingin siya dito at nahuli nanaman niya ang mata nito na malagkit ang pagkakatitig sa kanya. Kulang na lang na sagpangin siya nito.

Hindi niya alam kung bakit siya napapiksi nang hawakan siya nito. Alam niyang napansin nito ang reaksyon niya subalit hindi na lamang nagsalita.

Tuluyan na nga silang humarap sa pari. Oo, pinangarap niyang makasal pero hindi niya akalain na magiging maaga iyon.

Nagsimula na ang bendisyon nang pari. Matapos magpalitan ng pangako sa isa't-isa ay idineklara na ng pari ang kukumpleto sa seremonya.

"You may kiss the bride," narinig niyang wika ng pari.

Itinaas na nito ang belo niya. Hindi niya naiwasan na mapalunok nang sunod-sunod.

Nakakaramdam siya ng awkwardness. Nakita niya pa ang unti-unting pagbaba ng labi nito sa kanya.

Gusto sana niyang iiwas ang mukha dahil maraming nakatingin subalit para naman siyang nagkaroon ng stiff neck na hindi maigalaw ang ulo.

Magaan lang ang halik na iginawad nito sa kanya pagdaka'y mabilis ding lumayo.

"Appetizer muna. Mamaya ang Main dish," bulong nito sa kanya.

Naramdaman naman niya ang pamumula niya. Alam niya ang tinutukoy nito. Magkahalong kaba at pananabik ang naramdaman niya sa di malamang dahilan.

Mabilis ang pangyayari. Parang bumilis ang takbo nang oras habang nasa reception sila.

Natagpuan na lamang niya ang sarili na  buhat nang mga bisig nito at papunta na sa silid nila.

Nakapulupot ang kamay niya sa leeg nito. Walang kibuan na nagaganap sa kanila. Tahimik ang buong pasilyo na ultimo paghinga nila ay naririnig niya.

Napukaw lang ang atensyon niya nang huminto ito sa isang pinto. Walang kahirap-hirap na nabuksan nito ang pinto.

Ibinaba lamang siya nito nang makapasok na sa silid.

First class ang inokupahan nito. Pagpasok pa lang ay kitang-kita na niya ang karangyaan ng silid.

Hindi niya alam kung gawa ba sa ginto ang loob subalit sa nakikita niya ay kulay-ginto ang loob ng silid.

Muli siyang bumaling sa lalaki.

Nakaka-ramdam talaga siya ng awkwardness sa lalaki. Samantala, ni katiting na tensyon ay wala siyang nakikita dito.

Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok. Nanatili siyang nakatayo kung saan siya inilapag ng lalaki.

Nakikita naman niyang nagtatanggal na ito ng pang-itaas na damit. Gustuhin man  niyang iiwas ng tingin ang mga mata ay tila may kusa naman ang mga ito na nanatiling nakatitig dito.

Nakasubaybay ang mga mata niya habang marahang tinatanggal ng mga kamay nito ang butones ng damit nito.

Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit pati paghuhubad nito ay kailangan niya pang titigan? Bumangon ang kuryosidad sa kanya na makita ang katawan nito.

Makisig kaya ito gaya ng pinapangarap niya? O di kaya flat tummy? Mas okay kapag may abs!

Hindi niya namamalayan ang sarili na napakagat sa ibabang labi.

Napatingin ito sa gawi niya. Mabilis naman siyang nag-iwas

"Any problem?" tanong nito.

Running Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon