Chapter VI

7.1K 99 0
                                        

Present

Nagsuot si Sofia ng high-waist jean na tinernuhan niya ng half-top na puting plain na long sleeves. Nagsuot lamang siya ng itim na scarpin designed na closed shoes para tumerno sa suot niya. May taas lang itong two inches.

Inipitan niya na lang ang buhok na messy bun na binagayan niya ng shades.

Naglagay siya ng light make up lang. Lip color matte lipstick at konting foundation. Gusto niya kasing magmukhang natural sa harap ng anak niya.

Minsan pang humarap siya sa salamin at tinignan ang kabuuan. Simpleng-simple ang suot niya. Hindi sa pagiging narcisissistic pero sadyang nagagandahan lang siya sa sarili niya.

"Okay na ba?" tanong niya kay Raquel.

Nagbigay ito money sign👌 na may ibig sabihin din na 'okay' ang suot niya.

Nabigla pa sila parehas nang tumunog ang cellphone. Nagmamadali naman niyang kinuha ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng kama niya. Halos talunin niya ang kama masagot lang ang tawag.

"OA sa pagkataranta?" puna ni Raquel na umiirap-irap pero nakangiti.

Nagsenyas naman siya na wag itong maingay pagdaka'y sinagot niya ang tawag.

"Nasaan ka na?" kaswal na wika niya. O pinilit niya lamang magpaka-kaswal dito.

"Nandito na ako sa tapat ng tinutuluyan mo. Dumaan ka sa emergency exit. Dilaw na chevrolet ang sasakyan ko," tugon nito.

"Sige. Bababa na ko," pagkasabi ay ibinaba na niya ang tawag. Bumaling siya kay Raquel. "Nandiyan na siya! Nandiyan na siya! Ano? Ano? Okay ba ako?" halos natataranta niyang tanong sa kaibigan.

"Ano? Kinikilig lang ang peg?" naka-arko ang kilay na tanong ni Raquel.

Humugot-hugot pa siya ng malalim na hininga. Muli siyang tumingin ng salamin.

"Sige? Tingin pa? Iiwanan ka nun kapag nainip," nakapameywang na wika nito.

"Eto na nga eh," sabi pa niya na kinuha na ang handbag at tuluyan nang lumabas ng unit. Sinamahan naman siya ni Raquel.

Kahit na nakatakong ay nagagawa pa rin niyang makalakad ng mabilis at malalaking hakbang. Halos habol naman siya ni Raquel.

"Halata ang pagka-excited mo rin eh noh?" sabi pa ni Raquel sa kanya.

Hindi niya ito pinansin. Nakatuon lang kasi ang atensyon niya sa daang tinatahak nila papunta sa lalaki.

**

Panay ang tingin ni Nicholas sa oras. May meeting pa kasi siya mamayang hapon. Alas-dose pasado na at hindi pa lumalabas ang babae.

Dinampot na niya ang cellphone at akmang tatawagan ang babae nang makita itong lumabas sa emergency exit. Nakabalot ng scarf ang ulo nito at nakasuot ng shades. Sumisilip-silip pa ito sa paligid, tinitignan kung may tao.

Binaba na niya ang cellphone at pinagmasdan ang dating asawa. Mabuti na lamang at heavily tinted ang sasakyan niya kaya hindi nito malalaman ang ginagawa niya. Hindi niya talaga mapigilan ang sarili na hangaan ang pisikal nito. Kahit na simple lang ang suot nito ay litaw pa rin ang kagandahan nito. Hindi naman nagbago ang paghanga niya dito simula't-simula nang makilala niya ito. Lamang ay kitang-kita ang maturity sa panlabas na anyo nito.

Kahit sino yatang lalaki ay hindi matatanggihan ang babae. Hindi niya naiwasang mapahawak nang mahigpit sa manibela.

Tila kasi nanunudyo pa ang isip niya na maalala ang mga nangyayari sa pagitan nila. Bumabangon nanaman sa pagkatao niya ang kakaibang sensasyon na kay Sofia niya lamang naramdaman.

Running Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon