Chapter XII.I

6.5K 82 0
                                        

Pansamantala munang dineactivate ni Sofia ang lahat ng social media niya. Iyon ay alinsunod sa suhestiyon ni Manager Lee. Dahil madami na siyang natatanggap na hate comments.

Makakabuti na rin iyon upang hindi na siya lalong madepress pa.

Panay naman ang  tawag nang mga paparazzi sa management nila para kuhanin ang panig niya.

Minabuti na lamang niya na wag munang magsalita hingil sa issue.

Samantala, sinigurado naman nang management niya na makikipag-usap sa blogger na nagpost ng artikulo. Kaakibat no'n na maaaring makasuhan ito sa pagpopost nang walang pahintulot.

Hindi pa rin nagsasalita si Nicholas sa issue. Hindi niya alam kung nakarating na iyon sa lalaki. Alam niyang magagalit ito dahil nadawit si Steffi sa issue.

"Magbakasyon ka kaya muna sa Pilipinas?" suhestiyon sa kanya ni Raquel. Nasa silid siya no'n sa dorm nila at inabala na lang ang sarili sa pagbabasa nang mga libro.

"Baka magperform pa ko ulit," tugon niya rito na hindi inaalis ang tingin sa binabasa.

"Perform? Wish mo lang.." sarkastikong wika ni Raquel

Pairap niya itong tinignan. Naisip niya na magandang ideya din ang naisip nito.

"Pero wala naman akong babalikan doon eh," lumungkot ang ekspresyon niya. Tuluyan na niyang ibinaba ang binabasa at bumaling dito.

"Wala? Paano sila Nicholas? Paano ang mga magulang mo?" sunod-sunod na pangangatwiran nito.

"Nicholas hates me. Sigurado ako na hindi na ko tatanggapin no'n," rason niya.

"And your parents?" tanong pa nito na nakataas ang isang kilay.

Hindi siya nakasagot. Matatanggap pa kaya siya nito pagkatapos ang ginawa niya? Galit din kaya ang mga ito sa kanya.

Humugot siya nang buntong-hininga. Hindi niya alam kung anong dapat niyang itugon sa babae.

Pero di naman siguro masama kung susubukan niya diba?

**

Manila, Philippines

Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sofia habang lulan ng kotse. Nasa tapat sila nang restaurant nang magulang niya.

Gabi na no'n at pasarado na ang mga ito.

"Puntahan mo na.." pagtutulakan sa kanya ni Raquel.

Nag-alangan pa siya nang una pero sa huli ay lumabas na siya nang sasakyan. Hindi na siya nag-abala pa na mag-disguise. Dis oras na nang gabi at wala nang gaanong tao nang mga oras ma iyon.

Minsan pang tumingin siya kay Raquel na noon ay nagsesenyas na magpatuloy lang sa paglalakad.

Bumaling siya sa harapan niya at yumaon na sa paglalakad.

Kinakabahan siya. Ano kaya ang magiging reaksyon nang magulang niya kapag nakita siya?

Nakalagay na sa pinto ang salitang CLOSED pero itinulak niya pa rin ito pabukas.

Pagpasok ay napatingin sa kanya ang mga empleyado na noon ay naglilinis nang area.

"Sorry mam. Sarado na po kami," sabi ng isang empleyadong babae.

"Sofia?" mula sa kung saan ay tanong nang isang babae. Nang lingunin niya ito ay nakilala niya agad kung sino ito! -- Si menchie!

"Menchie," nakangiti niyang wika.

"Sofia! Nagbalik ka!" nabigla pa siya nang tumili ito. Mabilis itong nagpunta sa gawi niya at inakap siya nang mahigpit. "Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala saiyo! Loka ka! Makikita ka na lang namin bigla, sumasayaw ka na sa international tv!"

Running Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon