Nagising si Sofia nang makaramdam ng pangangalay. Napagtanto niya na ang dahilan niyon ay ang brasong nakadantay sa kanya. Kay Nicholas iyon.
Muling nanumbalik sa kanya ang nangyari nang nagdaang gabi!
Nangyari ang hindi dapat mangyari sa pagitan nila nang lalaki! Tiyak na maapektuhan ang career niya dahil sa pagpapaubaya niya sa nararamdaman! Oo, nag-enjoy siya pero alam niya na may kalakip na consequence ang sinuong niya nanamang problema.
Marahan niyang inalis ang braso ng lalaki pagdaka'y umahon. Mabilis siyang nagbihis at tahimik na lumabas ng silid.
Tiyak na hinahanap na siya nang mga kasamahan niya. Lalo na si Manager Lee.
At hindi nga siya nagkamali nang salubungin siya ni Manager Lee sa labas pa lang ng tinutuluyan nila.
"Bamsae eodi iss-eoss ni? (Where have you been all night?)" may tono ng awtoratibo sa tinig nito.
Napalunok siya. Hindi niya kasi alam ang itutugon dito.
"Naneun haebyeon eodinga-eseo jassda.. (I slept somewhere in the beach..)" maikling palinawag niya.
Nabigla pa siya nang marahas nitong hawakan ang braso niya.
"Naleul babolo mandeulji mala. ulineun bamsaedolog dangsin-eul chajgo iss-eoss-eoyo! na-ege jinsil-eul malhae! (Don't make a fool out of me! We've been searching for you the whole night! Tell me the truth!)" matigas nitong wika.
Mabilis na nag-init ang sulok nang mga mata niya. Nakikini-kinita nito ang yamot kapag nalaman ang totoong nangyari.
"Naneun ... Naneun ... (I'm...I'm...)" simulang salita niya.
"Is there any problem here?" nabigla siya nang sa kung saan ay magsalita si Nicholas.
Sabay pa silang napatingin sa gawi ng lalaki. Nakita niya ang madilim na ekspresyong mukha ni Nicholas habang nakatingin sa kanila.
"You have nothing to do with it, Mr. Cuerdo," kaswal na wika ni Manager Lee sa lalaki.
"Yes, I have," mabilis nitong sagot. "You are hurting the mother of my daughter,"
Hinawakan nito ang kamay ni Manager Lee at marahas na kinalas mula sa pagkakahawak nito sa kanya.
Bahagya siya nitong inilayo mula dito at hinawi papunta sa likod nito.
"You are only ruining her career, Nicholas!" matigas na ganting wika ni Manager Lee. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkaka-address nito sa lalaki.
"I can make her life better than the fame you are bragging," pagmamayabang nito kay Manager Lee.
"Are you willing to give up the career you work hard on?" tanong sa kanya ni Manager Lee na inignora ang lalaki.
Napatingin din sa kanya si Nicholas.
"You have to choose, Sofia," sabi sa kanya ni Nicholas.
"You have surpassed your rival group, Sofia. Many achievements will come in the future. Do you want to stop now?" pangongonsiyensya pa ni Manager Lee sa kanya.
Palipat-lipat lang siya ng tingin sa dalawa. Alam na niya sa sarili kung ano ang sagot -- ang career niya. At alam niya na masasaktan nanaman niya si Nicholas sa isasagot.
Umatras siya nang kaunti kay Nicholas. Ang kanina pang nangingilid na luha niya ay tuluyan nang umatras.
Tumingin siya sa lalaki.
"Last night was a mistake," simula niyang wika sa lalaki. "Hindi dapat nangyari iyon,"
"Alam mong kagustuhan natin parehas ang nangyari," sabi nito.
BINABASA MO ANG
Running Idol (Completed)
RomanceFix Married at the age of 18, hindi pa handa si Sofia na matali sa isang habang buhay na commitment. Nais niya pang matupad ang pangarap niya -- ang maging isang Kpop Idol. So, she fled to South Korea and chase after her dream leaving all her commit...