Chapter XIV

7.5K 103 2
                                    

Matiyagang naghintay si Sofia sa tugon nang lalaki. Tila naghahanap pa ito ng sagot sa tanong niya.

"Sofia.." mahinang wika nito.

"Bakit?" patuloy na tanong niya rito. "Bakit mo ako pinakasalan? Anong rason mo?"

"Do you really want to know the truth?" tanong din nito sa kanya bahagya pa itong humakbang papalapit sa kanya.

Tumango siya. Kahit naisin niyang alisin ang pagkakahinang ng mata niya mula dito ay hindi niya magawa. Kung dati ay nakakaramdam siya ng awkward para sa lalaki, ngayon ay wala siyang makapang emosyon sa sarili.

"I married you for the sole purpose of accomplishing the task my late grandfather has given on me to obtain his legacy," diretsang wika nito. Hindi niya namamalayan na napanganga siya sa pagkabigla dahil sa mga sinabi nito. Kahit nais niyang magreact ay mimabuti na lamang niyang manahimik at hintayin ang iba pang sasabihin nito. "Nakakatawa man isipin pero bago niya iwanan ang malalaking ari-arian sa akin, gusto niya na maikasal ako. He even wanted me to have a child. Alam nang namayapa kong lolo na hindi ako nagsesettled sa relasyon. So in order to obtain his wealth, I must find a worthy woman who can bear my child,"

"At sa tingin mo ay ako iyon?" sa wakas ay nagawa niyang tanong dito.

"You are more than worthy, Sofia," sagot nito.

Napatango-tango siya. "You didn't marry me out of love but out of greed for wealth. How astonishing," may himig nang pagkasarkastiko sa boses niya.

"Let me finish," sabi pa nito.

"I've heard enough, Nicholas. Para saan pa ang pagpapaliwanag mo? To sugarcoat your words? Pinatunayan mo lang na katulad ka nang ibang mayayaman na sakim sa kayamanan!" may namumuong inis na wika niya.

"Sofia.." tinangka pa siya nitong hawakan pero mabilis siyang naka-iwas.

"I'm so dissapointed," pagkasabi ay  tinalikuran na niya ito at namamadaling lumabas nang resthouse nito.

Uuwi siya ng Maynila. Uuwi siya sa mga taong totoong nagmamahal sa kanya.

Akala pa naman niya ay iba si Nicholas. Or at least iyon ang paniniwala niya. Akala naman niya ay sadyang nagustuhan lang siya ng lalaki. Pero hindi eh. Sa una pa lang nakakapagduda na nang pakasalan siya nito nang walang makukuhang kapalit mula sa pamilya niya.

Nakakapagduda din nang malaman niya na nag-offer pa ito ng tulong sa negosyo nila kapalit nang pagpapakasal niya.

Nagduda na siya eh. Bakit nga ba hindi niya pa iyon pinanghawakan?

**

"Nasaan ka?" tanong niya kay Raquel nang matawagan ito. Naglalakad siya sa lansangan ng Lucban nang di alam ang pupuntahan.

Wala siyang dalang pera. Lahat ng gamit niya ay naiwan sa resthouse nang lalaki.

"Nandito ako sa Manila. Kakabalik ko lang galing Seoul. Kasama mo ba si Nicholas?" tanong nito sa kanya.

"Sunduin mo ko. Hihintayin kita. Nandito ako sa Lucban Plaza. Bilisan mo ah?" sabi pa niya.

"Sige. Wait mo ko. I'll try to be there as soon as possible,"

Binaba na niya ang tawag. Minsan pang nilibot niya ang tingin sa kapaligiran.

Maraming tao ang naglalakad at may kanya-kanyang kasama. Umupo siya sa isang tabi at sumalo sa mga nanonood ng basketball.

Mukhang di naman siya nakikilala nang mga tao dahil walang pumapansin sa kanya. Nakakalungkot isipin pero mas mainam na iyon.

Ilang oras kaya bago makarating si Raquel? Ilang minuto pa lang ang lumilipas pero naiinip na siya.

Running Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon