Chapter VIII.I

6.6K 87 0
                                    

Naging hectic ang schedule nila simula nang maglabas sila ng bagong kanta.

Nagsimula ang comeback performance nila sa Mnet Comeback Stage noong Huwebes.

Nagperform naman sila sa Music Bank nang Friday. Nang Saturday ay nagperform naman sila sa Show! Music Core. Sumapit ang Sunday ay nasa Ingikayo naman sila.

Monday lang ang naging pahinga nila. Doon ibinalita sa kanila na ang When He Looks na kanta nila ay pumalo ng 25,575,200 views sa unang 16 hours. Natapos ang araw na umabot sila ng 30M+ sa loob lamang ng 24 hours.

Tinagurian silang Most Viewed K-pop MV in 24 hours. Record breaker sila dahil sila palang ang K-pop group ang nakakagawa no'n.

Labis ang kasiyahan nila sa balitang hinatid nang Manager Lee. Iyon na ba ang simula ang pag-claim nila sa number one spot?

Tuesday nang magperform sila sa The Show sa SBS MTV. At Wednesday nang magperform sila sa Show Champion.

Maaari pa silang magperform muli sa mga nasabing music shows depende kung nakapasok sila sa mga ranking nito.

Karaniwan kasi ng basehan ng chart system ng mga nabanggit na music shows ay Live Voting, Digital Sales (streaming at downloads), Netizen preference score, album sales, broadcast score, ranking sa mga professional judges, social media score, popularity score, live broadcast realtime score, at marami pang iba.

Kaya napakaswerte talaga nang isang K-pop group na kapag ang kanta nila ay pumasa sa mga nasabing preferences ng chart system. Kapag nasa itaas naman ay kailangan itong i-maintain.

Marami marahil tuloy ang naka-relate sa kanta nila kaya marami itong naging view. Sana naman ay hindi lang sila magnumber two lang. Sana this time ay mahigitan na nila ang Nice Girls!

**

"Wae naega hoeuie jeonhwahaessneunji al-a? (Do you know why I called a meeting?)" tanong ni Chairman Han sa kanila.

Nagpatawag ito ng biglaang meeting sa conference room makalipas ang isang araw mula nang huli nilang performance noong Wednesday.

Hindi nila naiwasan na magkatinginan sa isa't-isa. Seryoso kasi ang anyo nito na parang may nagawa silang kasalanan.

"Han hoejangnim, jalmos dwaessnayo? (Is there something wrong?)" lakas-loob na tanong ni Dana dito.

Sinuyod nito nang tingin ang bawat isa sa kanila. Samantala, halata ang pagpipigil nang ngiti ni Manager Lee. Hindi niya alam kung may pakulo ang mga ito o sadyang natatawa lang ito sa reaksyon nila.

Nakita niya na humugot ng buntong-hininga si Chairman Han.

"Naneun neoleul chughahae! Geugeos-eun dangsin-ui sangseung-ui sijag-ibnida. maen wie yujihasibsio. Geuligo amudo dangsin-egeseo geugeos-eul humchiji moshagehasibsio. (I would like to congratulate you! It is the beginning of your rise. Maintain at the top. And don't let anyone steal it from you.)" deklara nito.

Muli silang nagkatinginan. Hindi maintindihan ang sinabi ni Chairman Han.

Natuon ang atensyon nilang lahat nang marinig nila ang pagtikhim ni Manager Lee na wari'y inaayos ang boses nito.

"Geuneun bol ttae gongsigjeog-eulo tobniag-ibnida! Geuligo bilbodeu myujig eowodeueseo Top 20e seonjeongdoeeossseubnida. Gugje chateue chamgahalyeomyeon se beonjjae K-pop-ibnida! Chiha! (When He Looks is officially a topnotcher! And take note it is ranked in Top 20 in Billboard Music Award! You are the third K-pop to enter the international chart! Congratulations!)" paliwanag ni Manager Lee.

Running Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon