Chapter XI.I

6.5K 92 5
                                        

Seoul, South Korea

Naging abala ang grupong Yellow Daisy pagkatapos nang bakasyon nila. Sunod-sunod na performance sa iba't-ibang music shows ang inatinan nila dahil pumapalo sa Top 1 sa lahat ng countdown ang kanta nila.

Magandang balita ang dumating sa kanila na labis niyang ikinatuwa. Nakatulong ang pagiging active nila sa social media at pakikipag-interact sa mga fans ang pag-angat ng popularidad nila.

Dalawang buwan pa ang lumipas at tuluyan na ngang naging hectic ang schedule nila na halos wala na siyang oras para sa sarili.

Patuloy ang pagkapanalo nila sa Melon Weekly People's Choice Award. It is now their seventh win that made them qualified to be nominated in Top 10 Artist Bonsang Award.

Nakatanggap na rin sila nang ibang nominasyon mula sa mga malalaking kompanya na nagsasagawa ng Annual Music Awarding. At may mga soon to be performances na sila hanggang sa matapos ang taon.

Naimbitihan na kasi sila na magperform sa mga music festivals gaya nang Dream Concert, K-Pop World Festival, Asia Song Festival, Grand K-pop Festival, Hallyu Festival, at The K Festival.

May guesting nanaman sila sa Weekly Idol at sa iba't-ibang entertainment shows. May live taping sila para sa isang sikat na reality show.

Halos wala na silang pahinga sa buong linggo. Pero pagod? Hindi niya iyon maramdaman. Ito na ang bunga nang pangarap niya.

Isang karangalan din na maging nomimado sila sa Billboard Music Awards. Sila ang pangatlong K-pop group na nanominate bilang Top Social Artist pagkatapos nang Beyond Your Heart at Nice Girls. Nanominate ulit ang BYH pero hindi nakapasok ang Nice Girls. Natutuwa siya dahil baka magkaroon sila ng pagkakataon na makasama ang grupong inaaasam-asam niya! Ang BYH!

Pinatawag sila ni Manager Lee sa conference room kinabukasan bago ang simula nang guesting nila sa isang entertainment show.

Mula sa flat screen tv na nasa harapan  nila ay ipinlay ni Manager Lee ang Ask In A Box session nila kung saan in.express niya ang malaking kagustuhan niya na makasayaw ang Beyond Your Heart.

"HugeHit Entertainmentneun Beyond Your Heartwa Yellow Daisy saiui ganeunghan hyeoblyeog-eul jeanhaessseubnida. Ulineun geudeulgwa naeil hoeuileul gajil yejeong-ida. (HugeHit Entertainment has proposed of possible collaboration between Beyond Your Heart and Yellow Daisy. We will be having a meeting tomorrow with them.)" simulang wika nito.

Halos manlaki ang mga mata niya sa dineklara ni Manager Lee.

"Jeongmal?! (Seiously?!)" reaksyon ni Ajoo.

"O may gas!" hindi kapulidong wika ni Mina na nagtangkang mag-inglis.

"Naneun simjang baljag-eul il-eukinda!(I'm having a heart attack!)" OA na metaphor ni Dana. Hinawakan pa nito ang puso na parang inaatake.

"Ulineun naeil geudeul-eul mannalgeoya? (We are going to meet them tomorrow?)" pabebe at nagbu-blush na tanong ni Jia.

Tumango si Manager Lee.

"Junbileulhaeyahabnida. (You should be prepared.)" tatango-tangong wika ni Manager Lee.

Hindi niya naiwasan na mapangiti. Sobrang die hard fan siya ng Beyond Your Heart. Pinangarap niyang makasayaw ito sa stage - sa harapan ng buong mundo..Mukhang iyon ay unti-unti nang matutupad!

Hindi naman kasi lingid sa kanila ang labis na kasikatan ng grupong iyon. Malaki ang fandom nito internationally. Mabuti na lamang at wala pa itong narerelease na kanta kundi ay hindi nila magagawang mamuno sa Top 1 ng mga countdown.

Running Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon