2010, 18th Birthday
Isang araw na binakante ng magulang ni Sofia ang reservation operation ng negosyo nila bagkus ay nagbigay-daan sa selebrasyon nang kanyang ispesyal na kaarawan.
Hindi naman inaasahan ni Sofia na sasagutin ni Nicholas ang lahat ng gastos kahit na galing naman sa kanila ang catering service. Idagdag pa na nag-hire ito ng event organizer para lang mag-asikaso ng selebrasyon niya.
Korean-Filipino ang motif niya. Makikita ang dalawang tradisyon sa ambiance. Kagustuhan naman niya ang motif na iyon. Gusto niya nang Korean motif pero nais niya pa ring ipagmalaki ang Filipino style.
Nagsimula nang sumayaw ang mga kotilyon. Nasa itaas siya nang stage habang pinapanuod ang mga pinsan at ilang mga kaibigan na sumasayaw sa harapan niya.
Sumunod ang 18 gifts, 18 candles, at ang huli ay ang 18 roses.
Pulos mga barkada niya ang nakakasayaw niya. Mga barkada niya mula sa high school hanggang kolehiyo.
Sumapit na ang pangalawa sa pinakahuling sayaw. Bahagya pa siyang nagulat nang kalibitin siya ni Nicholas mula sa likod. Humarap naman siya agad dito.
Hindi niya naiwasang suyurin ng mabilis ang kabuuan nito. Nakasuot ito ng itim na slacks at dilaw na formal long sleeves. Naemphasize ng kulay na suot nito ang anyo nito. Bahagyang hapit dito ang longsleeves kaya naman nababakas ang mga makikisig nitong dibdib.
Hindi naman niya naiwasang mapalunok nanaman. Muli ay tumibok nanaman ng malakas ang puso niya. Hindi siya malamig kanina subalit nanlamig siya bigla nang makita ang lalaki. Para bang isang fairytale ang araw na iyon at ito ang prince charming niya.
Nilahad na nito ang kamay na kaagad naman niyang ginagap. Mabuti na lamang at naka-gwantes siya nang mga oras na iyon kaya naman hindi nito malalaman ang matinding panlalamig ng kamay niya.
Subalit nagulat siya sa sumunod na ginawa nito.
Marahan nitong tinanggal ang gwantes niya na ikinagulat niya.
"This is better," nakangiting wika nito nang hawakan ang mga kamay niya.
Naramdaman niya pa ang mainit na palad nito habang napakalamig naman ng sa kanya.
Bahagya rin siyang nanginginig sa di malamang dahilan.
"You're so cold," puna nito. "Hindi mo kailangan ma-tense kapag kasama ako,"
Pakiramdam naman niya ay namula siya sa sinabi nito. Hindi niya naiwasang mapabaling ng tingin sa ibaba.
Narinig niya ang mahinang hagikhik nito.
"You make me fall inlove with you even more.." tatawa-tawa nitong sabi.
Nagbigay lamang siya ng tipid na ngiti dito.
Iniisip niya kung paano ang mabuhay na ganitong mukha ang mabubungaran sa araw-araw. Marahil ay maganda agad ang simula ng araw niya.
Saglit lang ang naging sayaw nila pagkatapos ay ibinigay na siya nito sa huling sayaw niya - ang ama niya.
Engrande ang naging selebrasyon niya. Halos madaling araw na nang matapos ang kasiyahan.
Ngayon, eighteen na siya. Ang sunod naman niyang paghahandaan ay ang nalalapit nilang kasal ng lalaki.
Masyadong mabilis. Kahit pa nakakasama na niya ang lalaki nitong mga nakaraang buwan ay parang hindi pa rin niya ito kilala ng buo.
**
![](https://img.wattpad.com/cover/121181344-288-k985635.jpg)
BINABASA MO ANG
Running Idol (Completed)
RomanceFix Married at the age of 18, hindi pa handa si Sofia na matali sa isang habang buhay na commitment. Nais niya pang matupad ang pangarap niya -- ang maging isang Kpop Idol. So, she fled to South Korea and chase after her dream leaving all her commit...