Chapter XIII.I

7.1K 97 0
                                    

"Can I have a silence here?"

Laking pagkabigla ni Sofia nang makita si Nicholas na nakatayo sa harapan ng isang international awarding habang nakatingin sa mga tao.

Muling nanahimik ang stadium sa awtoratibong himig nito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"I was so fascinated by how you express your love to Sopi. And now, I am so disappointed on you, people, who bash an idol you swear you love with all your heart. If Sopi cannot make clear things, I will. I am her husband and we have a daughter. A foolish blogger put a wrong statement saying Sopi abandoned us. I wouldn't be here if I was abandoned. Sopi is a woman who loves chasing her dreams. I let her pursue her dreams because I know that when she's done, she'll comeback again. That doesn't sounds like abandoning though. You accused her of lying but she never lied. She just makes her life private.  I hope you guys enjoy what you are doing. And to those people who support my wife, I'm giving you my warmest thanks. For your satisfaction, Sopi will be no longer performing with her group. Sopi is quitting to Yellow Daisy." pagkasabi ay lumapit ito sa kanya. Walang imik na hinawakan ang kamay niya at niyakag na papunta sa backstage.

Hindi na siya tumutol dito. Pakiramdam niya ay isang knight in shining armor si Nicholas na isinalba siya mula sa pagkakapahiya.

**

"Salamat," mahinang wika niya.

Nasa kalagitnaan sila ng byahe papunta sa airport kung saan naghihintay ang private plane nito.

Hindi ito kumibo. Nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho. Alam niya na may kasinungalingan din sa mga sinabi ng lalaki dahil nais nitong linisin ang pagkatao niya sa milyon-milyong mga taong nanunuod.

"Hindi ko inaasahan na darating ka doon. Anong ginagawa mo rito sa Seoul?" tanong niya pa rito. Inaasahan niya na hindi siya nito sasagutin.

"Mabuti pa at magpahinga ka na muna. Excited ka nang makita ni Steffi," malumamay nitong wika na again, ay hindi nanaman niya inaasahan.

Walang kibo na sumunod na lamang siya dito. Inihilig niya ang ulo at ipinikit ang mga mata. Kanina pa niya iwinawaksi ang pagod niya. Marahil ay kailangan niya muna nang pahinga.

**

Sumadya siya ng Seoul upang makipagkita sa blogger.  Nasaktuhan naman na nakadaop-palad niya ang chairman nang entertainment na may hawak sa grupo nila Sofia.

Magkasabay pa silang nakipag-meeting sa mga ito. Iyon din ang oras na kinausap siya ni Chairman Han tungkol sa issue na sumira nang reputasyon ni Sofia.

"Save her," iyon ang salitang binitawan nito sa kanya. Tila ba alam nito na habang-buhay nang tatatak sa isipan ng mga tao ang nabulgar nitong sikreto.

Ilang araw din siyang namalagi sa Seoul dahil binalak niya na umatin sa awarding nito.

At tama nga ang naging desisyon niya. Sofia needed her. She needed to be rescued.

Nakarating na siya sa airport. Sinalubong siya ng mga tauhan pagkahinto pa lang ng kotse niya. Samantala ay mahimbing pa rin ang pagkakatulog ni Sofia. Lumabas na siya ng sasakyan at tumungo dito.

Wala siyang balak gambalain ang tulog nito. Pagkatapos matanggal ang seatbelt ay marahan niya itong binuhat.

Tuluyan na siyang naglakad patungo sa private plane niya.

Nang maka-akyat ay marahan niyang inilapag si Sofia sa nakahandang kama. Hindi pa rin ito nagigising. Marahil nga ay pagod na pagod ito.

Doon lang niya muli napagmasdan ang dating asawa.

Ayaw na niyang mabuhay muli ito sa mundo ng magulong kasikatan. Kahit ilang beses pa siya nito iniwanan ay hindi pa rin nawala ang nararamdaman niya dito. Hindi niya alam pero mas lalo yatang tumitindi ang pagkagusto niya rito.

Running Idol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon