Simula

376 103 78
                                    

Mystery.

They say all things was a big mystery.

Gaya nang bakit hindi maabot ang langit? Bakit iba-iba ang itsura ng tao kung pare-pareho lang namang hinulma? Bakit parang may point ang DaVinci code?

Ako si Yumaru Arguelles, hindi ako anti-christ ah. Sadyang marami lang misteryo ang nananalaytay sa daigdig natin. Bakit may multong hindi makatawid at nanggugulo lang? Bakit may mga engkanto? Bakit sila nagi-exist gayong tao, hayop, daigdig, langit, araw, buwan lang naman ang nilikha ng ating Poong Maykapal?

Mula pa noong bata ako, I love mysteries. I am thrilled with it. Gustong gusto kong malaman kung bakit nga ba? I am always curious.

Sumasabay ako sa tugtog ng sasakyan na Here's To Never Growing Up ni Avril. Syempre pini-feel ko ang kanta kasi feeling thug life kami.

"Malayo pa ba?" Antok nang tanong ni Chloe.

Ngumisi ako at umiling. Gusto ko pa sana siya biruin kaso mukhang inaantok na talaga ang bruha.

Sumilip si Kuya Chase sa rear mirror para makita kami. Sa tabi niya ay si Ate Gwen, girlfriend niya.

Gumala kaming magpi-pinsan sa sinasabing Aesthean Falls dito sa may Del Sierra, naligo kami roon at inabot na kami ng gabi ngayon pauwi. Malayo pa naman ito sa'amin batid ko dahil sa kanina pa ako nagmamasid sa labas. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang pamilyar na puno, maski ang mga sanga ay ganoon din ang tayo. Hindi kaya pareho lang?

"Fuck, paulit-ulit lang nadadaanan natin." Kuya Chase hissed making me shiver.

Mula sa labas ay napatingin ako sakaniya.
What? Anong ibig niyang sabihin? Nanuyo ang lalamunan ko ng makita na naman sa labas ang isang scarecrow. Nakita ko na 'yun kanina ah! Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan. Tama nga, kanina ko pa nakikita ang punong iyon. Nasabi ko nalang matapos makita muli ang puno.

"Baliktarin niyo damit niyo, nawawala na tayo." Sabi naman ni Ate Gwen na halatang kinakabahan.

Ineengkanto kami? Mabilis kong niyugyog si Chloe na natutulog na.

"Hmm?" Pikit parin niyang sabi.
"Gising Chloe!" Halos maiyak kong sigaw.

Nataranta naman siya at agad nagmulat ng mata.

"Bakit? Bakit?" Agaran niyang tanong.

"Baliktarin mo damit mo, nawawala tayo." Halos hindi ko masabi iyon sa panginginig ng katawan ko.

Mabilis kaming naghubad ni Chloe , wala nang kaso kung makita pa ni Ate Gwen at Kuya Chase ang katawan namin. I wonder If people would believe in things like this. Many would say we're only imagining things, creating stories and blah blah. Sino nga ba naman ang maniniwala kung hindi sila mismo ang nakakita o nakaranas?

Maya-maya lang ay nagiba na nag daan. Napahinga ako ng malalim, ganun lang naman yata talaga ang gagawin diba? Mabuti nalang nai-kwento na iyon sa amin ng Lola namin. Iyon daw ang gagawin kapag naliligaw. At buti nalang naniniwala kaming apat sa ganoon. There's no harm in trying naman eh. Atleast naligtas kami, hindi ba?

Malakas na bumusina si Kuya sa malaking kalabaw na nasa gitna ng daan. Bakit mayroong kalabaw?

Napakapit ako sa bag ng muntik na akong sumubsob sa unahan dahil iniwasan iyon ni Kuya kaya naman biglaang napapasok ang sasakyan sa madilim na kagubatan.

Malubak ang daan kaya halos maalog kaming lahat, panay ang sigaw namin nila Ate Gwen samantalang puro mura naman ang binanggit ni Kuya Chase.

Sumalpok ang kaliwang bahagi ng sasakyan dahilan para mabasag ang ilaw nito. Isa nalang ang gumagana at masiyadong madilim sa lugar na 'to.

Beyond the TunnelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon