Kabanata 21

95 18 1
                                    

Kabanata 21

Embracing Arms

"Okay guys! Time for a game match." Ani Jack sabay sulyap sa'kin.

Halos pawisan na ako mula sa kanina pang pag eensayo. Mas lumakas ang loob ko. Siguro dahil meron akong motibasyon. Pero hindi parin maiwasan sakin ang isipin kung may ibubunga ba lahat ng paghihirap ko.

Ngumiti ako kahit kumakabog ang dibdib sa takot. Nilibot ko ang paningin sa paligid, puro lalake at mga babaeng halatang batak na sa labanan.  Sana naman iyong ka-rank ko lang din ano? I silently hoped.

Mula nang mapadpad ako rito, mabilis na gumalaw ang oras, gaya ngayong naging okay naman na ang training ko, minsan failed, pero tumaas naman ang rank ko nang isang puntos! Tama! Nahulaan ko kasi ang galaw nang hangin na kontrolado naman nang air bender na si Haku. Tatlong araw ko na ring iniiwasan si Jacob, iniiwasan ko siya dahil sa gusto ko muna malaman ang mga dapat malaman sa lugar na ito, kung totoo ba ang mga pinagsasabi niya. Pagkatapos nitong game match ay nagbabalak akong kausapin siya kung may pagkakataon. Pero hindi ko alam kung nagkakataon lang ba, o sadyang 'di rin kami nagkikita sa camp nitong nagdaan. Iniiwasan rin siguro ako? Hindi ko alam.

Simula noong mabasa ko ang mga kailangan ko mula sa libro, naging maalam na ako sa mga bagay-bagay. Kaya mas nakukuha ko nang mabilisan ang training. Kahit pala sa ganito, kailangan mo pa rin pala talagang magbuklat nang libro. Syempre para may makuhang impormasyon na kung saan mas nakatutulong kung paano mas mapapadali ang mga bagay na dapat gawin dito sa loob nang Lost City.

Kahit naman kasi sino kailangan nang kaalaman para sa isang bagay.

"Can the tyros' raise their hands?" Tanong ni Jack nang nandoon kami sa loob nang parang isang boxing ring.

Nag angat ako nang kamay kahit pa alam kong halos tumalon na ang puso ko sa dibdib ko. Beginner palang ako, at ang masaklap pa ay ngayon lang ako sasabak rito sa game match. I suddenly remembered Khyla Estibar's quote,

"Physical strengths are nothing compared with strong mind and brave heart."
- Arrietty Code.

Tama naman, 'diba? Isa pa, aanhin mo ang lakas, kung mahina ang ulo? I mean, diskarte. I believe na kapag may diskarte ang isang tao kayang-kaya niyang lagpasan ang lahat. Mahirap man o mayaman. Kaya ang pinuntirya ko ay ang kaalaman sa lugar na ito, para mas mabisa't mabilis maka-diskarte.

"Maru versus..hm."

Nang mabanggit ang pangalan ko ay agad umakyat at kaba sa'kin. Alam kong mapipili ako dahil I'm only a tyro. A beginner. Tila nag-isip pa ang tukmol na si Jack kahit abot ang tahip nang dibdib ko. Nanliit ang mata niya at ginala iyon sa buong troops.

Bargas talaga! Namili pa ah? Baka 'yung malakas pa mamaya ang piliin niya, nako! Ngumisi siya sakin.

"Maru versus Zyra."

As expected, he just declared my death for fuck's sake!

Zyra's one of the biggest and strongest female on our Arrietty! Rank 9 tumataginting na Brave Code! Kamusta naman ang coward rank ko? Halos malunok ko ang sariling dila noong nakita kong nagpalagutok nang leeg si Zyra. Wearing her infamous grin she eyed me from head to toe, watching my legs slightly tremble. Nagmustra si Jack, pinapapasok na kami sa loob nang ring. Namawis ang palad ko, pakiramdam ko ay katapusan ko na. Isa itong bitay para sa isang tulad kong inosente.

"Take this," may inabot sa'kin si Jack na kung anong halaman o dahon.

Nang titigan ko ay alam ko na kung ano 'yon. I spent three days studying alone about the things and creatures inside this Lost City. Pero hindi pa rin sapat, lalo na kung mahina ako.

Beyond the TunnelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon