Kabanata 11

126 68 12
                                    

Kabanata 11

Hurt

Naglilibot-libot lang muna ako mag-isa. Hindi ko kasama si Jisha dahil may assignment daw siya, ano kaya 'yun? Hindi kami binigyan ng assignment eh. Bumuntong hininga ako ng maalala ang nangyari sa'kin.
Alas diyes na nang gabi pero hindi ako dalawin ng antok. Kanina ko pa iniisip ang ginawa ni Jacob. Bakit? Dahil ba sa'kin? O dahil alam niyang nandito na si Pranpriya at akala niya nagmoments yung dalwa?! Selos, ganon?

"Hindi na pwede gumala sa oras na ito, mahigpit na ipinagbabawal. Namamahinga kana dapat hindi ba?"

Napapikit ako ng mariin, hawak parin ang dibdib. Tangina giliw! Ang gulat ko!

"Nasan ka?" tanong ko.

Alam kong si Jacob iyon, boses palang niya makikilala mo na.

"Up here,"

Agad naman akong tumingala at nakita siya sa taas ng bubong.

"A-ah..hindi ka bababa rito?" tanong ko.

"Nah, nagmamasid ako." sagot niya lang, tinatamad.

Ngumuso ako. Fine, edi wag. May na nah nah pa siyang nalalaman akala mo naman ikinagwapo niya na yun. Hays. Teka--Ano bang kinakagalit ko?

"Jacob..Uh..why did you punched him?" I hesitantly asked him.

Tumaas ang makapal niyang kilay sa'kin. "It's none of your business, mind your own."

Napamaang ako't natigilan.

Aba? May regla ba 'to kaya ubod ng sungit ngayon?! Edi ako na. Hindi ko business 'yun. Tama nga naman siya.

"Fine." naiinis na sagot ko.

Minsan pala nakakagulat talaga makarinig ng salitang hindi mo inaasahan. Nakakasama ng loob sa hindi malamang dahilan. Ganito ako sa mga pinsan ko. Nasasaktan din kaya sila gaya ng nararamdaman ko? Hindi naman sobrang sakit. Pero alam mo ba yung salitang nakakahurt ng damdamin?

Kumibot ang labi ko kaya agad akong tumalikod. Ano? Kelan pa naging mababaw ang luha ko? Tandaan mo Maru, ganiyan ka din sa iba. Naiinis ako sa nararamdaman ko, ambabaw! Masiyadong mabilis.

"Saan ka pupunta?" He stopped me.

Hindi ko siya nilingon. Kinuyom ko ang kamay ko. Wala siyang kasalanan kung sa simpleng paraan lang ay masasaktan kana Maru, hindi ka niya pinaasa. Kung ano mang meron kayo ay dahil lamang iyon sa pagtulong niya sa iyo. Oh baka ginagamit narin para makalabas sila rito? Hindi ba nakakapunta naman sila ng otherwolrd? Nag init ang dibdib ko sa inis na bumalot sa damdamin ko.

"Nakakapunta ka naman ng otherworld diba? Bakit hindi kana lang umuwi padaan doon? Wala kang aasahan sa'kin. Mahina ako, Hindi ko kayang makahingi ng kaihilingan. Use other, wag ako. Pwede naman si Pranpriya ah? Tutal naman kaya niya rin pumunta sa other world? Salamat sa pagtulong, wag mo lang akong gamitin," May diin ang pagkakasabi ko.

I mean it. Hindi ko mahuli ang ugali niya! May split personality ba siya? Naging sweet siya..diba? O umasa at nag assume lang talaga ako? I bit my lips. Nakakahiya! If they could read minds, I probably get busted! Nakakahiya talaga, I sigh. 

"What do you mean?" His deep voice became more serious.

"Tagalog na ang sinabi ko hindi mo pa din naintindihan?! Ambobo mo! Mas walang kwenta pala yang utak mo eh!" Inis kong sabi.

Mabilis akong naglakad. Why is he acting that way? Bakit pakiramdam ko ang lamig ng pakikitungo niya? May nangyari ba? May nagawa ba akong mali? Inis kong pinahid ang luha habang naglalakad.

Beyond the TunnelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon