Kabanata 5
Month
"Maru! Kahit kelan napakakupad mo," Inis na namang reklamo niya sakin.
Eh ano ba kasing gusto niyang gawin ko? Naiilang ako sa suot ko! Suot ko lang naman ang pekpekskirt. Oo, kung may pekpek short, meron din sa skirt. The worst is hindi siya tight, pakiramdam ko kapag humangin ay makikita nila yung short ko sa loob. Ayoko parin na makita nila ano! Tapos yung pantaas ko naman tube na off shoulder. Basta all white ako! Nako, basta sinasabi ko training pa naman ito, hinding hindi ko lalabhan 'to! Lalagnatin ako kapag ito ang nadumihan 'no.
It's been three days since pumunta kami doon sa palasyo ng mga hukom. At ang nakakainis pa, pupunta na kami ni Jacob sa camp, at ang pinakanakakainis sa lahat ay iiwan niya ako doon. Hindi siya ang magte-train sakin kase nagpapasama yung si magandang Pranpriya! Kelan ang balik? Hindi ko alam.
Ayoko na isipin pa! Lalo na't nagiging weird na ako. Ewan ko ba, ayaw ko aminin baka lumala.
"Tapos na! Sandali lang kase!" Ngumuso ako at pilit na tinatali ng ayos ang buhok ko.
"Hindi na kita masasamahan sa camp kung magtatagal pa tayo, inaantay na ako ni Pey,"
Kumunot ang noo ko. Pey? Probably Pranpriya? Wow. Antot.
"Andyan na! Napaka-excited," Inis kong inalis ang panali sa buhok ko bago iyon sinalikop at ginawang bun. I don't care if it's messy or what.
Nang lumabas ako ay hindi ko siya tinapunan ng tingin kaya hindi ko nakita ang reaksyon niya.
"Anong meron sa labi mo at humahaba 'yan?"
Hindi ako umimik. Bakit eh feel ko wag siya imikan, patulong tulong pa siya sakin. Paano kung mapahamak kami ni Pey? tapos unahin niya 'yun iligtas edi shoktay na ako? Libag niya wag niya ako kausapin. Tutal excited narin naman siya na iwan ako sa camp para lang doon sa kay Pranpriya.
"Kaya ko na pala pumunta doon, hindi kita kailangan." Napapikit ako sa tono ng pananalita ko, nagtatampo ako? Dapat lang naman e, kaso malay ko kung anong meron sakanila? Sampung araw palang ako rito mula noong hindi ako nakalabas ng tunnel. At hindi ko itatanggi na unti-unti nang nawawala ang takot ko. Siguro kaunti. Sa loob ng sampung araw, Wala akong ibang ginawa kundi sa bahay lang. Inaantay si Jacob na umuwi, o kaya minsan sinasama niya ako pag umaalis siya. Minsan. Madalang.
"Problema mo?" Inis na tanong niya.
Ayan na naman siya sa kasupladuhan niya. Hindi ko nga din maintindihan ang sarili ko, pero mas mahirap siya intindihin ano! Napaka-clingy niya sakin sa loob ng tatlong araw na nagdaan. Gumala kami ng gumala, palagi siyang nakangiti, minsan lang siya magsungit..joke. Gaano ba kadalas ang minsan?
Minsan ayaw ko rin ma-attach sakaniya e. Marami kasing what ifs. Kaso mahirap talaga hindi maattach lalo na kung lagi mong nakakasama.
"Wala. Bakit kaba nagsusungit? Pwede ka naman na umalis," nang tumalikod ako ay inirapan ko siya sa sobrang inis.
Lumabas ako ng bahay, naglakad ako sa hagdan na kahoy para makababa papuntang lupa, napakataas naman kasi nito. Goodbye calories.
"Waaahhh!" muli kong nakita ang mga ibon na nagliparan mula sa puno sa lakas ng sigaw ko.
As usual sinabunutan ko na naman ang buhok niya. "Bastos ka talaga! Ibaba mo 'ko!" Inis na sigaw ko.
He tsk-ed. "Para mas mabilis kitang mahatid para makaalis na agad, I can't be late." inis na rin niyang sagot, nasaktan siguro sa sabunot ko, Ha! Talaga lang. Naiinis ako sakaniya eh.
BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
FantasyMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...