Kabanata 18
Code
"Maru!" niyugyog muli ako ni Jisha.
Pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko. Nakaligo na siya at handa nang umalis.
"Magsisimula na training! Mali-late ka! Mapaparusahan ka sige," sabi niya pa.
Umungot ako at kinagat ang sili na sinubo ko noong naliligo siya. Napapikit ako nang mariin nang kumalat ang pait at anghang niyon sa bibig ko. Bigla ay gusto kong sumigaw at iiyak iyon sa anghang.
"Maru?" Bigla ay nag tunog nag aalala na ang kaniyang boses.
Fuck! I-gets mo na! Hindi ko na kaya!
"Namumula ka!" Gulat na sabi niya.
Dali dali niyang hinipo ang leeg at mukha ko na nanginginit at namamawis na sa anghang.
"Shit! Nilalagnat ka yata! Tara sa clinic!" nag-aalalang sabi niya.
Clinic? Tae. Hindi nga iyon mukhang clinic!
Napangibit na ako nang hindi ko na makayanan ang anghang kaya naman dali-dali akong tumakbong banyo at sinarado ang pinto. Sinuka ko ang sili. Nagluluha ang mata ko sa anghang. Kumatok siya sa pinto.
"Maru? Okay ka lang?" tanong niya.
"O-okay lang--" hindi natapos ang sinasabi ko dahil sa nasamid na ako sa anghang. Umubo ako nang umubo.
Damn it!
"Late comers will be punished!" Bigla ay may sumigaw mula sa labas.
Si Pranpriya iyon, boses palang e. Tsaka siya kasi ang trainor ni Jisha.
"Omygod! Maru.."
"I'm fine. Go--f uck." Napamura ako matapos maubo na naman.
Nilabas ko ang dila ko na parang sinisilaban ngayon. Gusto ko umiyak shit. Nang magsarado ang pintuan ay agad akong nagtatakbo at pumunta sa kabilang kwarto--sa kwarto ko. Oo dahil kila Jisha ako natulog para sa plano ko.
Uminom muna ako nang tubig, nag toothbrush at naligo. Kinuha ko ang bag na tagpi tagpi pero matibay ang pagkakagawa. Mabilis akong tumakbo habang nagtatago na parang baliw. Mabilis ang tibok nang puso ko sa kaba.
Napadako ako sa mga Runes. Fatal kami kabilang e. Nahati rin ang Runes sa tatlo kagaya nang sa Fatal at Inferno. Nakanganga akong pinanood sila. Pinakamahirap pala ang training namin dahil kahit pinakamababa ang Fatal sa tatlo, pisikal ang gamit namin. Walang sorcery gaya nang sa Inferno at walang Runes na ginagamitan nang steele para sa ability. Nagtago ako at mabilis na tinakbo ang museum.
Maingat ang galaw ko na huwag makabangga nang gamit kundi ay makakagawa ako nang ingay. Nakamasid lamang ang palaka. Walang alam, syempre dahil wala naman yatang ganitong pangyayari noon.
Dahan dahan kong binuksan ang drawers nang mga bow and arrow. Iba't iba ang kulay nang mga pana sa dulo. Binasa ko ang maliit na sign na nakalagay doon. Sa baway kulay ay may ibang lason. Kinuha ko lahat nang pana at inilagay iyon sa lalagyan. Napadaan ako sa isang baril. Ano ito? Babasahin ko palang kung ano ang kakayanan nito ay nadali nang pana sa likod ko ang isang katana kaya iyon ay nahulog. Agad kong kinuha ko ang isa sa baril at nagmamadaling lumabas habang kumakabog ang dibdib.
Pawis na pawis ako at hinihingal sa kaba. Hanggang sa narating ko na ang gate.
"Saan ka pupunta?" natigilan ako matapos makita ang pamilyar na mukha nang babae.
Naikuyom ko ang kamao ko matapos maalala na isa ito sa babaeng hindi man lang ako tinulungan bagkos ay binuhusan pa ako nang kung ano.
"Tatakas ka na naman sa training? Aba! Pa-special ka na talaga! Hindi ka VIP!" nanggagalaiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
FantasyMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...