Kabanata 7
Friend
"Goodluck." Sabi ng matanda bago umalis.
I sighed deeply. Hinawakan ko ang pinto at emotional na papasok ng may maramdaman ako sa gilid ko.
Nilingon ko iyon at nakita ang isang babaeng maganda. She smiled at me so I smiled back. Noong ngumiti ako ay lumaki ang ngiti niya."Akala ko mataray ka!" dinamba niya ako ng yakap.
Umiwas ako at ngumiwi. I'm telling you, I'm not really friendly.
Ngumiti lang mabait na agad? Nako. Mabilis ma-plastik 'tong babaeng 'to.
"Ako si Jisha Pereyra. Magtutwo months palang akong trainee rito! At dito sa tabi ng room mo lang ang room ko, " tumaas baba ang kilay niya habang nakangiti sa'kin.
Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa. Doon ay nagulat ako at nakarandam ng matinding saya. "O-omygod. You're a human!" I exclaimed.
"Well yeah~" masigla at maarte niyang sabi.
Nawala ang kaartehan ko at ako na mismo ang yumakap sakaniya. Halos mangilid ang mga luha ko. Finally a human!
"Ano ka ba! Maganda lang talaga ako," Bumungisngis siya.
"Tara sa room mo, dali! Tulungan kita mag-ayos," tinulak niya ako papasok ng kwarto habang bumubungisngis.
Close na agad kami, ganoon?
Nilibot ko ang aking paningin sa kwarto. Not bad. Kahit maliit ay kumpleto ng gamit maliban sa sala. May banyo, may kalakihang damitan o closet. Nang mapansin ko ang kama ay dali dali akong lumapit dito. Nang makaupo ay dahan dahan kong hinaplos ito. Gusto ko umiyak bigla.
"A-ah. Anong drama 'yan? Love at first sight sa kama?" tanong niya.
Hindi ko siya pinansin. Dali dali kong tinanggal ang sapatos ko at humiga sa kama. Hinihigit ako ng antok. Naiiyak talaga ako kasi feeling ko sobra akong pagod at kailangan ko ng kama. Alam niyo ba yung parang mabigat at nakakatamad gumalaw na pakiramdam? Ayon, ganun.
"Oy! Wag ka ngang bad diyan! Magkwento ka! We should know each other! Wag mo ako tulugan!"
Ang ingay niya at kuda siya ng kuda. Kung andito si Jacob nako susungitan siya noon. Napabuntong hininga ako. Crush ko ba talaga ang panget na 'yon? Bakit kailangang lagi siya masali o mabanggit ng isip ko? Baliw.
Pinikit ko ang mata ko. "Oooyy! Andaya eh! Wala pa nga akong alam sa'yo!"
"Ako si Maru Pedrealba," iyon lang ang sinabi ko sakaniya.
I should trust no one here, right? di ako pwede ma-attach sa kahit na sino rito. Dahil ayon sa payo ng matanda kanina..pag naging mabait ako iyon ang ikamamatay ko. Everyone here is selfish. Oo nga naman. Kahit kaibigan mo papatayin ka mabuhay lamang sila. I don't want to kill a friend or worst get killed by a friend I trust.
"Pedreabla? Hmm..uhm..ano ability mo?" tanong niya na hindi ko sinagot.
Una dahil hindi ko alam kung anong ability chuchu iyon, pangalwa ay nahihiya pa ako dumaldal sakaniya. Bigla ay naisip ko si Chloe..I sighed. Miss ko na sila.
"Ako kasi..ang code ko rage. Tapos ang rank ko pang 20 out of 25 so anxious rank. Pero okay lang kasi two months palang naman ako rito," she heaved a sigh.
Wala akong naintindihan maski isa sa mga sinabi niya. Napamulat tuloy ako ng mata at tumingin sakaniya.
"Code? Rank? Rage? Anxious? Ano? Teka ha, ma-nosebleed yata ako," naguguluhan kong tanong.
BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
FantasíaMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...