Kabanata 12
Loser
Agad akong napabalikwas ng bangon kahit pa pikit pa sa lakas nang kalabog sa pinto dahil sa mabibigat at sunod sunod na pagkatok.
"Late comers deserves punishment!" sigaw niya bago muling sinarado ang pinto.
Humikab muna ako. Ginala ko ang paningin bago sinilip muna ang orasan. Oo! Titignan ko na lagi ang oras mag mula ngayon!
7:30 a.m.
"What the f uck?!" halos isigaw ko iyon.
Ganoon ba ako kapuyat para magising ng ganito? Tinakbo ko ang banyo at dali daling naligo.
Habang nagsusuklay ako ay inaayos ko rin ang sinusuot kong damit.
"Damn boots!" Inis na sinipa ko iyon ng hindi ko agad maisuot.
Itinapon ko ang brush at pinusod ang mahaba kong buhok. Nilimot ko muli ang boots na hanggang kalahati ng hita ko. Sinimulan ko ang pagtatali noon at pinapawisan na ako.
"Whoo!"
Tinignan ko muna ang salamin.
"Maganda ka, hindi siya kawalan. Tsaka isa pa, wag kang kerengkeng! Gumawa ka nang paraan para makalabas rito hindi yung puro lovelife iniisip mo!" tinuro ko ang sarili ko.
"Ampanget mo tuloy ngayon, puffy eyes." Umismid ako sa sarili bago ay sinulyapan ang wallclock na naging dahilan nang pag sigaw ko sa gulat.
"Sabi ko nga aalis na!" Nagtatakbo na ako palabas matapos makita ang oras na tumataginting na 7:55 a.m
Nakapila na ulit doon lahat. Halos madapa na ako sa pagtakbo. Hinihingal pa ako nang makapunta sa pila ko. Tumapat sa'kin si Jack, the smirk is still plastered on his face. Naman, mawawala pa ba 'yon?
Pakiramdam ko lumalaki ang butas ng ilong ko sa sobrang pagod at hingal mula sa pagtakbo. He levelled his face to mine. He's too close. Napapangiwi tuloy ako.
"Buti hindi ka na-late," then he gritted his teeth.
Ano na naman? Mainit na naman dugo niya sakin. Inaano ko ba siya? Hindi naman ako ang dahilan kung bakit nasuntok siya ng isang gago diyan 'no.
"Ooops, muntik na pala?" pang-aasar niya sa'kin. Narinig ko pa ang munti niyang tawa pagkatapos ay lumapit pa siya lalo sa'kin.
"You cried?" he whispered.
Tinalikuran na niya agad ako. Nakahinga ako ng maluwag. Isa pang abnormal!
Napatingin ako sa unahan. There I saw Jacob, with his dark aura..throwing me dagger looks. Salubong ang kaniyang kilay at kitang kita ko ang pag galaw ng kaniyang panga.
Umiwas ako ng tingin. Tama na nga Maru! Humarap na ako uli kay Jack na nasa unahan na.
"DANGER CODIFIED. IN THE CELL, NOW!" his deep voice roared like a thunder.
Natigilan halos lahat. Saltik! May split personality! Inis kong sabi sa utak ko.
Namataan ko si Jack sa unahan, grinning like an idiot. When our gazes met, he winked at me.
Tarantado! I mouthed.
Hindi niya ako pinansin. Anong akala niya nakalimutan ko na ang hindi niya pagpansin sa'kin noong humihingi ako ng tulong? Alam kong wala man akong aasahan sa lugar na 'to pero---! Basta! Nakakainis siya.
"Fencing again,"
Then blah blah blah. I'm sweating profusely. Tinakbo ko si Jisha para lapitan.
BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
FantasyMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...