Kabanata 14
Thing A
"Nae-excite ako!" Palakpak ni Jisha habang nasa dining hall kami.
Pinagtinginan tuloy siya ng iba. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi na naman ako naka-attend ng Game match. Sabagay, pabor sakin yun kesa patayin ako halos ng mga ka-code ko!
"Para saan?" Tanong ko sabay hiwa sa malaking lechon na nasa harap.
Sobrang haba ng lamesa dito at nasa siyam ang lamesa ng buong hall. Siguro ay para sama-sama sana ang mga fatal, inferno, at runes sa bawat code. Pero siguro hindi rin nasusunod, kasi si Jisha lagi ang kasama ko, paiba-iba pa kami ng kinakainang lamesa.
"Mamaya, ia-announce!" Bumungisngis siya.
Nanlaki ang mata ko at hagya ng masamid ng makita ko ang nakasipit na karne sa ngipin niya.
Ibinaba ko ang hawak na kutsara at tinidor. Pinagmasdan ko siya habang ngumunguya siya ng nakangiti. Napalunok ako ng makitang hindi iyon natanggal. Lecheng kapit ah?
"Hoy!" bulong na sigaw ko sakaniya.
Ngiting ngiti parin siya sakin, animo'y nagde-daydream pa ang hitsura niya.
Hindi man lang alam ng baliw na may nakasipit na baboy sa ngipin niya? Hindi ramdam? Sa laking iyon?!"Jisha.." itinuro ko ang ngipin ko.
"What? Masakit ngipin mo?"tanong niya.
Umiling ako bago sinulyapan ang mga katabi. Sa pagsulyap ko ay nagulat ako ng makita si Jacob na seryosong kumakain. Kung di ko lang siya kilala baka akalain kong may table manners siya. Utut! Walang awa 'yan sa pagkain! Lunok lang ng lunok!
"Nae-excite talaga ako Maru!"
Kumunot ang noo ko at bumaling muli kay Jisha. Nakita ko na naman iyon. Paano ko ba sasabihin sakaniya na may tinga siya? Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon. Baka kasi mapansin ng iba yung karneng nakasingit sa ngipin niya kung sasabihin ko diba? Hindi ko naman siya mabulungan kasi mamosa mga katabi ko. Chismosa, I mean. Kanina nga tinanong lang ako ni Jisha about sa kung saan ako nang galing at badtrip daw yung dalwang fafabels nang ipatawag ng hukom. Binulong ko sakaniya kung saan ako galing, aba etong si ateng patpat sa kapayatan may pagkulbit pa sakin para lang itanong yung, "Huyy. Ano 'yun?"
"Jisha.." tawag ko dito.
Nag angat naman siya ng tingin. Maya maya pa ay ngumiti ako ng malapad sakaniya, ipinapakita ko ang buong ngipin ko.
Namilog ang mata niya. Nakuha na niya? Itinuro ko ang ngipin ko. Sana magets niya! Nakakabother kasi pati kumain.
"Gets ko na!"
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Finally. Omygod, dali na! Magtoothbrush kana para makakain na ako ng walang guilt! Pakiramdam ko responsable ako sa karneng nakasiksik sa ngipin niya.
Nakakatanga pala tingnan kapag ipinagsisiksikan mo ang sarili mo.
Hay nako.. Dear karne, magising kana sana sa katotohanan at katangahan!Biglang tumunog ang intercom. Kaya natigilan ang lahat. Sinulyapan ko muli si Jisha, andon padin. Ano ba naman yan? Ngumiti muli ako ng pagkalapad sakaniya.
"Naku beh! Anlaking tinga niyang nasa ngipin mo! Wala nang toothpick sa mesa natin, naubos na!"
Ambilis niyang magsalita. Pero sapat na ang katahimikan para maintindihan iyon..napawi ang ngiti ko. Nanlamig ang kamay ko at napasulyap kay Jacob na nakita kong hagyang nasamid sa iniinom na tubig. Napalunok ako. Dahan-dahang kinuha ang kutsara at isinubsob ang noo sa lamesa. Itinaas ko ang kutsara at binaligtad iyon para gawing salamin. Dahan dahan kong binukas ang bibig ko para silipin ang ngipin ko.
BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
FantasyMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...