Kabanata 19

96 37 9
                                    

Kabanata 19

Drunk

Hindi kami nagiimikan ni Jacob hanggang sa namataan ko si Jisha na nagmamasid samin sa may gate hanggang sa makababa kami mula sa himpapawid.

Nag iwas agad ako nang tingin dahil sa naramdaman sa dibdib ko. Ano nga bang iniisip ko? Naging selfish ba ako? Mag-isa lang kasi ako gumawa nang kilos at ayoko isipin, pero pakiramdam ko tuloy iniwan ko s'ya. Pero hindi din naman eh..Isasama ko naman siya sa kahilingan ko!

Nang naglalakad na ako ay sinalubong niya ako nang yakap.

"Grabe ka! Pinag-alala mo ako! Sabi mo kasi okay ka lang, Eh alam mo namang nakakatakot mabigyan nang punishment," ngumuso siya.

Syempre 'no!

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Kamusta ka naman? Nawala ba ang lagnat mo?" tanong niya kaya napasulyap ako kay Jacob.

Pinagkunotan ko siya nang noo para ipakita na hindi ko naiintindihan pero inirapan niya lang ako. Napaismid tuloy ako at binalik ang tingin kay Jisha.

At galit din talaga siya ha? Diba sa pagkakaalam ko, Ako yung galit?

"H-huh?" Tanong ko na nauwi sa pag ubo.

Lecheng sili iyon! Kinati tuloy lalamunan ko!

Napahawak ako sa lalamunan ko dahil sa pagkamalat nang boses ko. Yeah, baka dahil sa sili at sa pagsigaw ko kanina. Sino ba naman ang 'di sisigaw doon sa mga nangyari kanina?

Habang hawak ko ang leeg at halos iluwa ko ang buong lalamunan ko sa kakaubo ay doon niya napansin ang tatlong librong kipit ko sa kabilang kamay.

"Para saan ito? Hindi ba ay galing kayo sa ospital?" tanong niya na mas nagpakunot nang noo ko habang itinuturo ang mga librong hawak ko.

Math Problem again. Anong ospital? Hello?

"Tss. Tama na nga iyan, kailangan niya na magpahinga," sabat ni Jacob bago iniabot muli sakin ang tatlo pang libro.

Ngumuso ako nang lumakad siya paalis. "Grabe, buti inabutan ka niya? Sabi na tama akong ayaw mo sa clinic, gusto mo sa hospital. Nung sinilip kita sa kwarto at wala ka dun, nag-alala ako! Pero pasensiya na," sabi niya.

"Thankyou." Ngumiti ako sakaniya, hindi pinagbigyang pansin ang kaniyang sinabi.

Buti pa siya nag aalala. Si Jacob kasi hindi ko sure kung totoo bang concerned siya.

"H-ha? Para saan?" Tanong niya.

Sa pag aalala? Bigla ay sumeryoso ang mukha ko nang mabalikan ang kaniyang sinabi kanina lang. Teka, pasensiya saan? Bago pa ako makapagtanong ay naunahan niya na ako.

"Baka nga sabunutan mo ako niyan eh. Paano kasi sa taranta ko na, tinawag ko tuloy si Jacob. Madami siguro na naman na issue! Napaka-OA naman kasi," Ngumuso siya.

Doon ako napa-irap matapos magulat. Siya pala ang may dahilan kaya ako nahanap. Teka..parang mali.

Kung sa hospital ay di sana doon niya ako pinuntahan? Ay gaga Maru, paano nga naman kung nakapunta na siya nang hospital kuno tapos wala ka dun? May pakpak siya. Siniksik ko sa kukukote ko iyon. Pero kasi..paano niya nalaman na sa library ang punta ko?

"Sinabi mo sakaniya na nasa ospital ako?" Tanong ko na agad niya inilingan.

"Sabi ko may sakit ka, wala ka sa kwarto kasi baka hindi mo kinaya. Nagpunta ka nang hospital mag-isa, eh hindi kaya nang konsensya ko kasi iniwan kita sa kwarto kaya ayon..Sinabi ko na may sakit ka at lumabas ka siguro, hinanap ka kasi pero 'di ka nakita rito sa camp,"

Beyond the TunnelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon