Kabanata 8
Deserve
Halos mapapitlag ako mula sa pagkakahiga dahil sa sunod sunod na pagkatok sa pinto. Bago ko pa maimulat ang mata ko ay narinig ko na ang pagbukas niyon kaya naman dinilat ko ng kaunti ang mga mata kong inaantok pa para silipin ang tao.
"Punishment will be served for those who will be late!" Naaninaw ko ang mukha ni Jack.
Nanlaki ang mata ko noong magsarado agad ang pinto. May susi siya ng kwarto ko?! Wait. Punishment? Darn siya nga pala trainor ko!
Napabalikwas ako ng bangon at pumulupot pa ang paa ko sa kumot kaya nadapa pa ako.
"Bullshit!" I hissed habang inaalis ang kumot sa paa ko.
Tinadyakan ko iyon sandali bago ako nagtatakbo papasok sa banyo dala dala ang white towel.
"Ayoko malate!" Aligagang sabi ko.
Mabilis akong naliligo habang panay ang pintig ng puso ko sa kaba. Dali dali ako lumabas at kinuha ang 'uniform' kuno na binigay sa'kin ni Jisha. I mean, kinuha namin.
Bakit ba ganito ang suotin dito? Naaalala ko tuloy si Diana sa wonder woman!
Mabilis kong sinuklay ang buhok ko. Shit, eto ba yung nababasa ko sa wattpad na laging late yung bida? Eh iba 'to no! Hey, this is dangerous! Ngayon ko lang naranasan na magmadali kase ayaw ko malate! Hello? Lagi kaya akong late sa school ko noon!
Nang maka-graduate nga ako nitong nakaraang dalwang buwan sobrang saya ko eh. Nang matapos ay dali dali na akong lumabas at nilock ang kwarto ko. Natigilan ako ng makita ang madilim pang kapaligiran.
Bakit parang ang aga?
Sinilip ko muli ang nakapaskil sa pinto ng kwarto ko.
Fencing 8:00 - 9:00
Use of weapons 9:00 - 10:00
Gun shooting 10:00- 11:30
Lunch 11:30-1:00
Ability test 1:00 - 3:00
Game match 3:00 - 5:00"Alas otso pa ah? Hindi kaya nananaginip ako?" nagtataka kong tanong.
Pero hindi eh. Nakita ko talaga ang lalaking 'yun! Nagsalita pa siya eh.
Umupo ako sa tapat ng pinto at nangalumbaba. Ano gagawin ko? Pupunta na ba 'ko sa trainees lair?Naituro na sa'akin iyon ni Jisha. Buti nga't naituro niya sakin. Nag intay muna ako ng kaunting liwanag bago ako nagsimulang maglakad patungong trainees lair.
"Bakit walang tao? Maaga parin ba? Sabagay, kung alas otso pa ang simula, eh ala sais palang yata." para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.
Lumaki ang mata ko ng makita ang isang kumpol na mga taong may iba't-ibang touch of animals. Napangiwi ako. Touch talaga?! Basta halos lahat ay mga half creatures. Sabagay hindi naman na ako naiiba kasi yung mata ko--teka nga! Hindi naman ako late diba?
Tumakbo ako ng makitang may ginagawa yata sila. Izinoom ko ang mata ko para hanapin si Jack.
Nagtama ang paningin namin habang tumatakbo ako. Mas dumoble ang kaba ko noong makita ko ang galit sakaniyang mga mata.
Hinihingal akong tumigil sa tapat niya.
"You're late. Ginising na nga kita para maaga ka, nahuli ka parin. I even told you na may punishment..so.." nagisip siya.
Nanlamig ang sikmura ko. Umakyat ang kaba. Omygod Jacob! What to do?! Bakit kasi may pag alis ka pa!
"You want to experience hell? Straighten your back,"
BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
FantasyMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...