Kabanata 9
Train
"You're doing it wrong!" galit na suway sa'akin ni Jack.
So what? I'm going to learn while getting scolded by him? Wala yatang segundo na hindi niya ako pinansin. Hindi lang naman ako ang nagkakamali e. Besides andami rin naman dito na rank 0. Nakakainis kase ako yung pinagtutuunan niya.
"Don't tell me you don't even know how to swing a sword?" tanong niya, naiinip.
Nagsalubong ang kilay ko. Gusto ko na siya sagutin. Eh bakit ba? Tingin ba niya required 'to sa lugar namin? Kaya nga andito ako para matrain, isa pa hindi ko naman ginusto na mapunta dito sa camp na ito.
Pawisan na ng sobra ang noo ko. Nanganagwit na ng sobra ang kamay ko sa kakahampas o kaka-sway nitong kahoy! Ugh. First lesson ay fencing. Feeling ko mamamatay narin ako dito ng walang natututunan!
"Hindi ko alam kung bakit ka napunta sa grupo ko gayong duwag ka naman," prangkang sabi niya kaya natigilan ako.
Tinaasan ko na siya ng kilay ng hindi ko na napigilan. Ano ba kasing pinaglalaban niya sa'kin?
"Kung duwag ka maski sarili mo hindi mo maipapagtanggol. I'm telling you, no one would save you here. You will save yourself,"
Napaisip ako. Kahit si Jacob, kaya papabayaan ako? Nagsalubong muli ang kilay ko. Natural Maru! Palagi ka nag niya sinusungitan. T'saka ano ka? VIP?
"Ang panget mo," He suddenly blurted out.
Naputol ako sa pagmumuni at namilog ang bibig ko. Ako daw? Panget?!
"Excuse me?" maang kong tanong.
Ngumisi siya at gumilid. Tumungo pa ng bahagya na parang privilege niya o kaya ay 'my pleasure' chuchu na ginagawa ng isang servant. Oo! Nagbow siya tapos minuwestra niya ang mga kamay sa gilid na parang sinasabi niyang pwede na ako dumaan. Umakyat ang inis sa ulo ko.
"Pilosopo," inis na sambit ko, halata ang gigil.
But as usual ngumisi lang siya sa'kin kaya mas uminit ang ulo ko.
Sumeryoso agad ang kaniyang mukha. "Again. Back to basics,"
Napasimangot ako at nagsimula na naman doon. Tinalikuran niya na ako at hinarap naman ang iba pa. Bumuntong hininga ako. Paano ba kasi 'tong bwisit na 'to?! Kulang nalang kasi tuktukan niya ako kanina kase pinakamadali daw 'tong fencing pero hindi ko naman magawa.
Maya maya pa ay sabay sabay na kami pinagawa no'n. Nakailang suway sa'kin si Jack dahil nagkakamali parin ako. Nagpahinga kami sandali. Ano kaya ang ginagawa nila Jisha? Nakakainis talaga siya, lagot siya sa'kin mamaya!
"Let's proceed," wika ni Jack bago siya nagsimulang maglakad palayo.
Proceed saan? Tukmol na ito! Daldalito kulang naman sa impormasyon!
Bumuntong hininga ang iba, ang iba ay mukhang sanay na. Nang tumayo na lahat mula sa pagpapahinga ay sumunod na sila kay Jack kaya naman sumunod din agad ako. Medyo natatawa pa nga ako kasi andami namin. Ewan ko, I find it funny. Syempre lalo sa lugar natin walang ganito ano.
Pumasok kami sa isang malaking hall. There were some statues and stuffs.
"Sibat o spear ang gagamitin natin ngayon. Wag niyo mamaliitin ito. Yung mga nakagamit na nito o yung alam na ang pag gamit lumapit sa'kin,"
Marami at halos kalahati ang lumapit. Sinilip ko ang mga natira, they are all looking strong..I mean hindi kagaya ko na parang mahina, mahina talaga.
BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
FantasyMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...