Kabanata 16
His Secret Haven
Maaga ako nagising, mas maaga pa sakaniya. Mas napaisip tuloy ako. Bakit para lagi siyang puyat?
"Goodmorning birdies!" Bati ko sa dalwang maliit na ibon na nasa may puno katapat ng bahay namin.
Humagikhik ako matapos maalala iyong ipapakita ni Jacob. Umiling ako ng marahas. Kagagahan! Ano iniisip ko? Ipapakita niya ang ano slash birdie niya? Give me a knife and I'll slit my neck.
"Goodmorning sa inyoooo! 3 in 1 ang kasama ko~ tamis na iyong hatid, umaga ay walang pait~ Goodmorning sa inyooooo!~" kanta ko pa kagaya ng sa babae sa patalastas noon.
Kumuha ako ng pitsel at nilagyan iyon ng tubig upang diligan ang mga bulaklak na nasa paso na nakadisplay sa may veranda. Masyado yata akong hyper ngayon. Yata?
"Goodmorning," said a husky voice.
Husband dear! Goodmorning! I want to greet him, pero nakakahiya ano! Dahan dahan o slow motion akong humarap sakaniya sabay ngiti.
"Goodmorning Jacob!" I immediately kissed him on his left cheek.
Napakabilis lang lumapat ng labi ko sa pisngi niya pero natigilan siya. Kaya naman bilis bilis din akong umalis doon papunta sa kusina, syempre naman ano dumamoves ako, e. Ano? Masama ba? Uso naman 'yun dito eh!
Bigla ay narealize kong nakakahiya ang ginawa ko. Napapailing kong ginusomot ang mukha ko. Hokage. Nanlaki ang mata ko sa pumasok sa isip ko, excuse me naman ano? Hindi naman hokage move yun ah? Hindi naman ako nang manyak! Hashtag, PagNasaKatwiranIpaglabanMo.
Might as well sakyan ko nalang ang kahihiyan ko. Napabuntong hininga akong nagtimpla ng kape. Matapos ay humarap na.
"Kabayo!" Naiusal ko nalang sa gulat.
Nangiwi ako ng matapon ang ilang mainit na tubig sa kamay ko. Tinaasan niya ako nang kilay at tinignan ang hawak ko.
"Here's your coffee husband!" I giggled.
He glared at me when I called him that, so I pouted my lips.
Hindi nalang sumakay sa biruan. Pag siya naman may pawife wife pa! Sarap kaltukan ng walangyang 'to!"Bakit ka kumakanta? Tss." Puna niya sakin.
Sa tanong niya ay may naalala ako. Bigla naman tuloy nagbuhol ang mga binti ko sa kilig. Charot, wag mo iimagine, expert lang nakakagawa noon.
Masaya kasi ako! God, napanaginipan ko siya! He's so sweet, then..and then..agad akong pinamulahan nang maalala ko ang panaginip ko.
"W-Wala, maganda lang gising ko," nahihiya ako pero nagawa ko pa siya ngitian.
Umiling lang siya bago nag unat unat. Lumapit siya akin bago kinuha ang kape na tinimpla ko sakaniya. Bigla ko tuloy naalala kung saan nga ba nangggagaling mga ganito rito? Binibili? May mga taniman ba rin sila?
"Nga pala paano kayo nakapagtanim ng kape dito sa city niyo?"
Ngayon lang naman ako nagtimpla ng kape. Syempre, Pa-impress. Kunyari nga kasi husband and wife talaga ang drama namin kaso talagang kj siya, o sabihin na natin na loyal.
"Borrowers," tipid na sagot niya.
Borrowers?
"They're little people who lives with humans, borrowing things that can help them survive from their everyday life," paliwanag niya na tinanguan ko nalang habang nagiisip parin.
Little people? Whoa. Parang sina thumbelina? Hindi kaya dwende ang tinutukoy niya? Pinaarte pa niya.
"Living with humans? Paano sila nakakapunta dito?" Eto na naman ang mga katanungan ko kay lola basyang.
BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
FantasyMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...