Kabanata 2

231 101 55
                                    

Kabanata 2

Mystical Place

"Good morning Ma'am Maru! Your breakfast is ready!"

Nagising ako sa malakas na boses. Sobrang antok ang nararamdaman ko, nag-inom ba ako kagabi? Nagpuyat?

Hinigit ko ang isang unan at itinakip sa mukha ko.

"Ma'am Maru!"

What the? Is that a new maid? I tsk-ed then gripped the pillow tight to my face.

"Goodmorning ma'am!"

Ibinato ko ang unan habang nakapikit parin. "I am not hungry! You can leave!" Inis na sabi ko.

"But you need to eat mam,"

"Leave or I'll fire you!" Naiinis na sabi ko.

"F-fire?"

Binuksan ko ang kabila kong mata, naibukas ko ng mabilisan ang isa ko pang mata matapos makita ang hindi pamilyar na paligid.

Oh my God! Hindi panaginip ang nangyari kagabi!

Napabangon ako ng mabilis at mabilis na nasapo ang dibdib matapos makita ang goblin na si Trino.

"Omygod, you scared me." I breathed.

Iginala ko ang mata ko at nahagip noon ang isang lalaki na nakatayo sa veranda with his huge black wings.

I can see his perfectly sculpted back.
He's wearing this black pants and he's topless.

Bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Nanlaki ang mata ko at agad nag-iwas ng tingin. He caught me staring at him!

Kita ko mula sa gilid ng aking mga mata na palapit siya. Bigla ay naalala ko na naman ang kiss kaya agad akong napailing. I faked a cough before looking at the goblin.

Napangiwi ako matapos makita ang hitsura niya. I'm not used to this. I think I will never be.

"Thankyou, you may leave." sabi ko sa goblin na agad naman nitong sinunod.

Naramdaman ko ang pagupo niya sa kama sa tabi ko. Ako naman ay nagsimula ng kumain.

"Bilisan mo kumain, pagkatapos ay tutulak tayo sa kaharian ng mga hukom, you need a valid certificate that you're now part of this world or you'll get executed."

Para naman akong biglang nahirapan lumunok. I must meet them right? Kailangan kong makuha ang loob nila para makakuha ng kahilingan? Para na din hindi ako ipahanap na animoy wanted rito sa city na ito..para lang maging isang citizen ng Ferdinand Pritchard City o ang lost city beyond the tunnel.

"At pagkatapos n'on ay maghahanap ka ng trabaho,"

Namilog ang mata ko. Natigil ako sa pagkain. "A-anong trabaho?" Dahan dahan ko siyang nilingon.

"The princess look pretty damn scared." He smirked and I just rolled my eyes.

"Depende." Simpleng sagot niya.

I mimicked him and he shot me his murderous glare.

"I'm done." sabi ko matapos kumain.

Tumaas ang kilay niya sakin. "And so?"

Nanlaki ang butas ng ilong ko at mabilis na tumayo sa higaan.

Kalma. Sa mga oras na ito ay siya palang ang mapapagkatiwalaan mo since wala ka namang kakilala o alam mula sa lugar na ito. Naisip ko nalang.

"Is this your house?" Pag-iiba ko nalang kesa patulan pa ang feeling close na katulad niya. Kiss stealer.

"This is a friggin hospital for your information." sarkastikong sagot niya sakin, pabalang.

Beyond the TunnelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon