Kabanata 10
Mad
Maingay. Madaming yabag.
"Sorry! Nagmamadali lang!"
Nakarinig ako nang malakas na halakhakan.
"Sige! Dalhan mo rin ako niyan minsan!"
Dahan dahan akong nagmulat ng mata.
"Shit." Nasapo ko ang dibdib ko ng maramdaman ang mabilis na pagkabog niyon sa takot. Nagugulat parin talaga ako sa goblin.
Mukha ba naman nito ang bumungad sa mukha ko!
"Ma'am Maru! Si Trino po ito!"
Natigilan ako. Nilibot ko ang paningin ko. I am in the same room I was before.
Bigla ay naalala ko ang nangyari sa'kin. Nangilid ang luha ko. I quit. Hindi ko talaga kaya. I want to get out.
Bigla ay nakarinig ako ng malakas na pagaspas. Napalingon ako at nanlaki ang mata ko ng makita si Jacob.
Si Jacob nga ba?
Nakumpirma ko iyon ng mag angat ito ng tingin sa'kin habang umaayos ng tayo at tumitiklop ang itim na pakpak.
"J..Jacob!" para akong batang tumakbo papunta sakaniya.
Niyakap ko agad siya. Wala akong pakelam kung gusto niya ako itulak. I just need a hug. Umiyak ako sakaniya. Naramdaman ko ang pagbalot ng mga bisig niya sakin. I cried harder. I don't know. I never knew that I longed for his presence too much.
"Akala ko mamamatay nako! Hindi ko kaya dun!" pag amin ko.
Inilayo niya ako sakaniya. God, gumwapo yata siya lalo? Bakit parang may iba?
He wiped my tears again. "Ang panget mo talaga umiyak," supladong sabi niya habang nakayakap sa'kin.
Napangiti ako. Kinikilig yata ako. Pinigil ko parin ang ngiting ayaw mawala sa'kin.
"Abnormal," he blurted out.
Kumunot ang noo ko at tiningala siya. "Ha?"
"Abnormal ka, umiiyak ka pero nakangiti ka," He heaved a sigh.
Mas lumapad ang ngiti ko. Hinigpitan ko ang yakap sakaniya. Chance 'to no. Tsaka alam ko naman na wala lang sakaniya 'to. Sinilip ko ang abs niya, nanginit ang pisngi ko. Kabusog! I heard him chuckled kaya nag angat ako ng tingin.
Nagtama ang paningin namin. Nakangisi siya habang ako ay nanginginit ang pisngi.
"Namumula ka," sabi niya, natatawa ngunit hindi naaalis ang ngisi.
God, Must change the topic! Masyado pa naman siyang feeler. Ako naman masyadong assuming.
Yumakap ulit ako sakaniya. "Akala ko ba one month ka dun! Kahapon ka lang umalis ah?" tanong ko, iniiba ang usapan.
Pinitik niya ang noo ko kaya naman inis akong lumayo. Pero tumawa lang siya at humakbang palapit sakin.
"Umalis ako nung isang araw pa, kahapon ako dumating but I found you unconscious. Goodness, you made me worry to death." He breathed.
Tinikom ko ang bibig ko at pinigil ang pagngiti. Eto ba yung suplado? Weh? Niyakap niya na naman ako. Saraaap. Wow, there's a rainbow always after the rain! halos pumulupot ang binti ko sa kilig. Okay lang 'yan no! Normal lang makaramdam ng ganiyan. Ang gwapo gwapo kase. Inuulit ko, normal lang.
"Sorry, hindi ko talaga kaya eh," Lumabi ako.
"Hmm? Bakit? Ano ba mga ginawa niyo?" he asked.
Bakit? Ano rin ba ginawa niyo ni Pranpriya?

BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
Viễn tưởngMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...