Victim
Hindi na ako bumalik pa sa Camp. Naisip ko din, bakit ko kakailanganin pa ang ibibigay saking kahilingan ng hukom, kung pwede ko naman makuha iyon kay Eris?
"Dalian mo, Maru! Why do you have to move like a turtle? You should be a turtle!" Salubong ang kilay niya.
As usual parang wala na namang nangyari sakaniya. Ginaya ko ang pagsasalita niya kaya inirapan niya ako, inirapan ko siya pabalik.
"Your skirt's too short, magpalit ka." Komento niya.
Nakita ko ang utak ko sa pag irap. God! Nakakainis. Ambagal ko raw e bakit niya pa ako pinagpapalit!
"Hindi tayo aalis ng ganyan ang suot mo," kaswal na sabi niya.
Wala akong nagawa kundi mag palit. Sa nangyari kagabi, hindi nako nagtanong. Ano ba makukuha kong sagot? Wala rin naman.
Sa ngayon ay hahanapan niya raw akong trabaho. Bakit ba kailangan masipag sa lugar na 'to. Kung ganito ba naman sa amin, wala sigurong mahirap.
"Let's go!" Nakanguso kong sabi.
Tumango siya ng tahimik at tumalikod sakin. Yumakap ako sa likod niya. Bakit kahit walang pabango, ang bango bango niya?
Pag lipad ay pinikit ko na agad ang aking mga mata. Gaya ng inaasahan ay hinagis na naman niya ako. Hindi ko na naman napigilang hindi sumigaw bago niya ako masambot.
"Bakit mo ba laging ginagawa yon ha?!" Inis na tanong ko.
"Nararamdaman ko kasi ang boobs mo sa likod ko," poker faced na sabi niya.
Pinamulahan ako ng mukha at hindi na ako umimik. Maya-maya pa ay nakarating kami sa isang bath house.
"Wow, ang laki ah!" Hindi ko napigilang i-usal.
"Good Day, Master Jacob!" Bati ng malaking palaka.
Para naman akong batang nakakapit at nakasiksik sa braso niya. Okay, maliit kasi ako at matangkad siya.
Lumakad kami sa isang elevator na gawa lang din sa kahoy. May iba't-ibang uri pa ng nilalang. Natatakpan na nga ako rito sa likod eh.
"Intay," walang ganang salita ng sumakay.
Pinilit kong silipin iyon at bigla itong humarap sakin.
"Waaah! Mumu!" Nabigla ako sa sigaw ko. Hindi ko napansin na madami nga pala kami. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jacob.
Malaki ang mata nito at nakangiti lagi!
"She's Momo not Mumu, lagi 'yang andito sa bath house. Customer," sabi ni Jacob.Dahan dahan akong umiwas ng tingin dahil hindi ko matagalan ang kasindak sindak niyang itsura. Gosh! Babangungutin yata ako mamaya, ah.
Nang magbukas ang elevator ay kulang nalang ang lumambitin ako kay Jacob. Kitang kita ko ang iba't-ibang nilalang at hayop na nanliligo sa hot springs, at mga nagpapaspa pa. Sosyal."Jacob!"
Pagkuwan ay napalingon ako sa tumawag dahil sa pamilyar nitong boses. Nanlaki ang mata ko at agad napaluha.
"Rosie!" Tinakbo ko ito at niyakap.
Biglang gusto ko iiyak lahat sakaniya.
Nakita kong nakamaang ito sakin."Paano ka napunta dito? Gaga ka bakit ka pumasok!" Galit na sigaw ko sakaniya.
Nakatingin lang siya sakin pagkuwan ay nag excuse at nag diretso kay Jacob. Nanlaglag ang panga ko.
BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
FantasyMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...