Kabanata 15

85 51 9
                                    

Kabanata 15

Strange

"Ang kalat naman dito Jacob! Kung tingnan ka pa naman napakalinis mo," iiling iling na sabi ko sakaniya.

Hindi niya ako pinansin. Bagkos ay naupo lang siya sa kaniyang upuan at tinaas pa ang paa sa lamesita. Ngumiwi ako at nilapitan siya.

Kung saan saan kaya 'to nanlilimot ng basura? God! Sobrang kalat! Ayoko pa naman ng madumi, now I understand mom. Para akong nagka-anak. Ngumiwi ako at nagtakip ng ilong matapos pulutin ang waffle kuno na naapakan na sa sahig, mabaho na iyon.

"Inuwi mo ba ako rito para paglinisin?" nagsalubong ang kilay ko matapos i-shoot iyon sa basurahan.

Nag angat siya ng tingin sakin bago ngumiti ng malapad. Yung tipong box shaped na yung bibig niya. Ang cute eh. Sarap ibalibag. Paano ba naman kami magkakasundo nito? Hindi naman niya ako katulong o yaya!

"Aba napapansin ko na sayo Jacob nagiging madumi kana ah! Nung dumating naman ako dito hindi ganito kalala!" Pinanliitan ko siya ng mata.

"You nag like a mother,"

Lalong tumaas ang altapresyon ko sa sinabi niya. "Alangan! Ikaw kasi damulag kana pero feeling four years old kang paslit na madungis! Ewww, "

Nagtaas siya ng kilay sakin. "Hindi ako madungis. Una sa lahat, hindi ganiyan dapat pagsabihan ang asawa, kaya nag aaway eh. Para kang nanay, pwede mo naman ako pagsabihan ng ayos."

Aba? Napamaang ako sa sinabi niya. Tinuro ko siya. "Feel na feel mo na mag-asawa tayo ano? Ha! Maayos? Lumalala ka eh,"

Syet, no one can stop me now! Gusto ko pa naman sana maging okay lang, yung tipong hindi para laging high blood! Kaso ang hirap kapag siya kasama mo! Nakakataas ng dugo, tipong nakakapamula eh. Blush kumbaga.

"Just clean our house and I'll show you something after,"

Namilog ang mata ko at naitaas ang hawak na walis. Oo, walis tambo. Kahit anong gamit na mayron sa lugar natin, Syempre meron din sila maliban sa mga appliances and gadgets. They have sorcerers, so yeah..that's it.

"A-anong ipapakita mo? Siguraduhin mong hindi bastos 'yan ah!" paniniguro ko.

Inirapan niya muna ako bago ngumiwi. Nakapaskil pa sa mukha niya ang katagang, "Wag-kang-feeling" napabuntong hininga nalang ako. Nagiging isip bata na rin ako dito, bibig ko daig pa palingkera. Kung nakikita lang ako ni Chloe, sure ako na ivinideo na nun lahat ng kagagahan ko dito. Hindi naman kasi ako madaldal na tao eh, limitado lang ang taong sinasamahan ko, Brat ako hindi ko itatanggi yun, materialistic kasi ako. I don't know why.

"I will just take a nap," sabi niya bago tumingala at pumikit.

Inis kong hinampas nang kaliwang kamay ang paa niyang nakapatong sa lamesita. He tsked and I stomped my feet to show my annoyance.

"Sige señorito, sweetdreams!"sarkastikong sabi ko.

Nagwalis walis muna ako bago may pumasok na bagay sa aking isipan. Oh how could I forgot!

"Jacob? Bakit mo ako inilabas ng camp? Alam mo bang bawal lumabas ang trainees doon?" seryoso kong tanong.

Umingit siya bago nagsalita kahit pikit. "Friday naman. Parang school lang 'yan, free ka sa Saturday and Sunday."

Namilog ang bibig ko. Antagal ko narin sa lugar na ito pero ngayon ko lang iyon nalaman. Sabagay..ilang beses na ba akong nawalan ng malay dahil sa kaOA-an ng katawan ko? I heaved a sigh.

"Ah..ganun ba," tumango tango ako bago binitiwan ang walis at kinuha ang pamunas ng sahig.

Nagsimula na akong maglampaso. I never experienced to do this at home! Hindi ako naglilinis sa bahay ano! Pero hindi ko din matatagalan ang dumi. Call me maarte, I like that seriously. Note the sarcasm. Sino ba naman ang umibig sa maduming paligid?

Beyond the TunnelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon