Kabanata 13

90 50 17
                                    

Kabanata 13

Weird

"A-aray!" Angil ko sakaniya.

Hindi ako pinansin nito at saka pinisil ang braso kong may malalim na hiwa mula sa kuko ng eaglion kanina. Tumataas parin ang balahibo ko mula sa hawak nito.

"A-aray! Tama na nga!" Inis ngunit marahan kong tinulak palayo ang goblin.

"Give me that," biglang umimik itong si Jacob na nasa tabi ko.

Binigay ng goblin ang mga bulak at kung anong kulay asul na bulaklak.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya sinumangutan ko siya. Galit na naman siya.

"You failed,"

It's not a question, it's a statement. Totoo naman, ang kaso hindi ko maintindihan. Bakit? Paano ba dapat manalo doon? Eh kung battle o talagang patayan na may mga rules o kung ano pa ba? Di ba wala na?

"Bakit nga? Mali ba ang pagpatay ko?"

Inirapan niya lang ulit ako bago nilinis ang sugat ko. "Aray!"

Inis na sinamaan ko siya ng tingin.
"Hinayaan mong sugudin ka ng eaglion. Tiningnan mo sa mata ano? Ayos naman yung pag patay mo sa isa, sa huli ka sumablay. Pana ang gamit mo Maru, hindi kung anong weapon o patalim. Pinana mo sana, hindi yung hinintay mo na lapitan ka. Tingnan mo tuloy," sabi niya habang salubong ang makapal na kilay.

"Ganon?" I pouted my lips.

"Pinakamadali ang weapon na gamit mo kesa sa iba. Dahil ang gamit mo ay sadyang pang himpapawid."

Nagsalubong din ang kilay ko buhat ng pagkakakunot ng noo. Kailan pa naging pang himpapawid ang pana?

"Yung baril kaya!" Giit ko.

Nakakahiya naman. Pinakamadali pala 'yun?

"Ah, yes. Oo nga pala," Biglang sang ayon niya.

Bigla ay kumunot ang noo niya, halatang may iniisip na malalim. Nagso-solve siguro ng calculus? Mukhang nahihirapan siyang mag-isip eh.

"Kita mo na," ngumiwi ako sakaniya.

"Maru," he called.

"Hmm?"

Nilingon ko siya. Nakatingin lang siya sa braso ko na may kalmot ng eaglion na iyon habang marahang pinipisil iyon para mapalabas ang kaunting dugo. May dalit raw kasi ang kuko ng mga ito.

"Wag ka masiyadong malapit kay Jack,"

Walang imik na tumango akong parang bata. Bakit? Eh talaga naman kasing iiwasan ko baliw na 'yun! Nakakainis kaya siya. Malaki galit no'n sakin. Kung makapag salita naman siya akala mo nagseselos siya.

"I don't actually get you sometimes Jacob,"

Napalingon kami pareho sa nagsalita. Leaning on the wall, with both hands inside his pocket, Jack stared at us with no expression.

Masyado naman ako nagulat sa kaniya, hindi ko man lang siya napansin kanina.

"I don't care," malamig at supladong sagot ni Jacob.

"Really? Why do you want her to avoid me? I am her trainor just to mind you,"

Hindi siya tinapunan ni Jacob ng tingin. Hinipan niya ang sugat ko kaya naman nangiwi ako sa hapdi.

"I know you, bastard. You're helping her---"

"At iyon ang dahilan para layuan niya ako? Ginagago mo ba ako?" Inis na tanong ni Jack.

Beyond the TunnelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon