Kabanata 1
Foreign
Takot man ay nangibabaw ang gulat sakin sa mga oras na ito.
Why the hell did he kissed me?
I wanted to ask, but there's more important thing to know than that.
Nagtitigan kami. I can clearly see his huge black wings, his blond hair and his handsome face. I accidentally diverted my gaze at his body, namilog ang mata ko. He's topless because of his wings, does that mean he is always topless?
Hindi ma-proseso ng utak ko ang nangyari. Ramdam ko ang pangangatal ng aking katawan at ang pagkatuyo ng aking lalamunan.
Am I having a nightmare?
Sinampal ko ang sarili ko, mas lalo akong napaiyak ng mapagtantong wala, hindi na talaga ako makakabalik. Nakatingin lang siya sakin habang umiiyak ako. Wala akong makitang emosyon sakaniya.
"Please ibalik mo'ko! Nakikiusap ako," I pleaded.
He stared at me. Doon ay may gumuhit na lungkot ngunit ang kakaiba ay hindi ko alam kung may nakita ba akong munting saya doon?
"Saan ka nakatira?" Bigla ay tanong niya.
Ako naman ay napaisip. Teka..saan? Gusto kong sumagot ngunit tila namimilipit ang dila ko sa hindi mahagilap na salita.
"Bakit ka nandito?" tanong niya muli.
Nakagat ko ang ibabang labi, mabilis akong umiling kasabay ng pagluha. Bakit wala akong masabi? Fuck! Hindi ko alam! Basta ang alam ko kailangan kong umuwi!
"Sino ka ba?"
Nanlaki ang mata ko. "Si.."
I can't utter my name. Sino nga ba ako? Nababaliw na ba ako? He held my hand. Kinagat ko ang labi ko ng madiin. Halos mag hysterical ako, o ganoon na nga? Sinong hindi magpapanic kung kanina lang ay kilala mo pa ang sarili mo ngunit ngayon ay hindi na?
"Ikaw si Yumaru Arguelles, kapag nakalimutan mo pa ang pangalan mo, mas mahihirapan ka ng makabalik,"
Kinilabutan ako sa narinig. Makakalimot lang hindi na agad makakabalik? Gayon pa man ay nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya sakin. All that I should do is to remember my name. Should I trust this strange man with wings? But..kilala niya ako? Pero dahil halos wala na akong pakialam na mga ganoong impormasyon ay pinili ko nalang manahimik at magtanong kung paano ako makakalabas. Mas importante 'yun.
"I-ibig sabihin may pag-asa pa akong makabalik?" halos pagmamaka-awa ang tanong ko.
Am I only a spirit now?
Hindi ba'y ganoon iyon? Napagusapan iyon sa'min noon na kapag nakuha ka ng engkanto..mamamatay ka. Ngunit ang kaluluwa at katawan mo ay iba sa matatagpuan nila. Kadalasan ay nagiging puno ng saging.
Ang mga taong may third eye lang daw ang nakakakita ng ganoon. Pero kahit hindi mo makita, mapapatunayan mo raw iyon kung ang bangkay ay hindi lumalamig.
Pagkatapos ng katahimikan ay tumango siya. "Kailangan mong makuha ang loob ng isa sa mga hukom, bibigyan ka nila ng pagsubok na kailangan mong malutasan para makahingi ng kapalit,"
Tumango ako at ngumiti sakaniya. Kahit peke. Kahit nangingiwi ako sa takot. Really? Is he a fallen angel or what? Bakit itim ang pakpak niya? Or worst, bakit siya may pakpak?
"O-omy..Omygod. Anong nangyayari sakin?!" Tarantang tanong ko matapos makita na halos nagiging transparent ako.
Kita ko ang paggalaw ng kaniyang panga. "I did kissed you, right?" he asked.
BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
FantasyMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...