Kabanata 17
Am I wrong
"Talaga? Parang hindi ko gusto ang tunog," komento ni Pranpriya.
Kumunot ang noo ko. What? Maganda iyon! Guess what kung ano ang pinagtatalunan namin? Tunog lang naman para sa ipeperform namin sa nalalapit na festival. Grabe yung kasiyahan ko kagabi noong nakita ko ang cellphone ko sa bahay! Inaway ko tuloy si Jacob kasi naman antagal ko na dito, Di man lang niya ako sinabihan. Pero sabagay, narealize ko na mali din ako.. Ako nga may dala noon papasok rito sa tunnel tapos hindi ko man lang naalala na may dala ako? Remember noong nagdala ako ng flashlight? Deadbatt siya noong nakita ko. Kaya naman pagkabalik namin sa camp ay agad ko iyong dinala kay Jisha para malagyan ng charge. Wala kasi ditong mga gadgets, meaning wala ding mga charger obviously.
And so dinala iyon ni Jisha kay Pranpriya and luckily ay pinagamitan niya iyon ng sorcery. So tanaaaan! May charge na siya, full battery pa.
Kaso walang signal, hay nako. Wala ding pakinabang, buti nalang noong nagbuklat ako ng music ay naalala ko iyong sa performances. At ngayon ay nagtatalo kami sa sasayawin na kanta. Nagtatalo na kami ni Pranpriya. Ano ba namang alam nito sa music eh taga dito? Wala namang ganoon yata dito. Ewan ko ba kung anong nasa kukote noong si Preuntina't sinali kami sa magpeperform! Pakiramdam ko nga si Pranpriya ang namili, at sinali niya ako!
"Yoncè nga kasi gusto ko para sexy!" Suhestyon ko.
"Ayoko nga noon! Gusto ko yung may mga kaastigan naman," sabi naman ni Pranpriya.
"Maganda din iyong kabet na kanta," biglang banat ni Jisha.
What?! Try niya nga lagyan iyon nang steps?
Umakyat sa ulo ko ang dugo ko dahil sa suhestyon niya.
Kabet? Seriously? Hmm. Si Pranpriya ba 'yan?
Ansarap niya tapikin sa mga ganitong eksena na nasa sitwasyong maggugulpihan na kami ni Pranpriya ay eeksena siya. Gusto ko siya tawanan, kaso naiinis talaga ako kay Pranpriya kasi naman! Kanina pa niya tinututulan ang mga sinasabi ko.
"Baby shark nalang! Leche, ano?" Naiinis na sabi ko.
Tumaas ang kilay ni pey sakin. "You're being rude to my friend, Jisha tell me, kaibigan mo ba talaga ito?" Natigilan ako sinabi niya.
Nag iwas ako nang tingin matapos makita ang mukha ni Jisha. God, I'm being insensitive again. Minsan naiinis nga din ako sa ugali ko. I guess there are things that you can't change. Especially attitude if it runs in the blood.
Nagbalik ako ng tingin kay Jisha, hindi ko alam kung nasaktan ko ba siya o ano. Pero base sa mukha niya ay nalulungkot siya, Sa una ay hindi pansin dahil ngumingiti lang siya. Now guilt is eating me up.
"Ano ang gusto mong kanta?" bawi ko sakaniya.
Nag angat siya ng tingin sa akin, ngumiti siya. Bakit ba siya ngiti nang ngiti? hindi ba niya alam na nakakainis? Nakakainis kasi mabait siya. I mean, Abnormal. Para siyang 4D alien.
"A-ah..Okay lang kahit ano," sagot niya bago ngumiti.
Napangiwi ako. Hindi ba nila alam na isa sa pinakamahirap sundin ang salitang kahit ano?
Napakamot ako sa ulo ko. "Here." I handed her my phone.
Inirapan niya muna ako bago niya tatanggapin yung cellphone. Sabi sa inyo tuleg na babae 'to e.
Nagscroll down siya sa mga kanta. Well, kokonti lang ang nadoong kanta."Teka, kakanta ba tayo o sasayaw?" tanong niya samin.
"Kakanta/Sasayaw." nagkatinginan kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
Beyond the Tunnel
FantasyMaru Arguelles goes with an adventure with her cousins and was deceived to walk past beyond the mysterious tunnel. A troubled strange man with black wings helped her during her stay as she wanders into a world ruled by sorcerers, witches, and spirit...