Kabanata 3

172 98 33
                                    

Kabanata 3

Beautiful

"Ano yun?" I asked excitedly after seeing those big colorful butterflies.

Nakaupo kami ngayon sa isang malaking kabote. Naisip ko nga kanina kung nasa wonderland ba kami. Ang sarap panoorin ng mga paru-paro..sa malayo, sa taas. Sobrang laki kasi nila. Isang bubong ng kwarto ang laki eh. Ang kukulay pa, pinaghalong scarlet at royal blue. Nakakatakot nga lang siguro sila sa malapitan kasi nga malaki sila. Papunta na kami sa mga hukom kuno. Ewan ko, I still find everything creepy yet funny at the same time.

"Hindi ba obvious? Paru-paro," Tinignan niya ako na para bang ako na ang pinakatangang babaeng nakilala niya.

Umirap ako sakaniya. "Alam ko! What I mean is, ano tawag sakanila?"

Tiningala ko ang mga paru-paro na nagliliparan sa itaas. They are beautiful. Such a beautiful scenery.

"Marifly. They are from the other world who happened to exist here in earth, they keep them. Naligaw o nakalabas ng portal ng mga wizards? Hindi ko sure. They are kept here to survive. Papatayin lamang sila sa mundo natin----"

What? Napatingin ako sakaniya.

"What do you mean?" Putol ko sa sinasabi niya.

Natigil siya sa pagsasalita at kunot noo akong hinarap.

"Ano?" Naguguluhan niyang tanong.

Hinawakan ko ang pakpak niya. "Tell me, totoo ba ito?"

Nakakatawa man pakinggan ang tanong ko ay hindi ko mapigilan. He said Mundo natin. That only means na hindi siya taga rito sa lost city na ito! What happened to him?

Nag-iwas siya ng tingin. "Ano sa tingin mo?"

That's it. Ilan ba kaming napadpad lang rito? Bigla ay lumamig ang puso ko kasabay ng pag bigat nito.

Tinitigan ko siya. "Tell me..how did you get here?" Malungkot ko siyang tinignan.

Nag-iwas na naman siya ng tingin, ayaw ako tingnan para makita ang emosyin niya.

"Kailangan na nating umalis." tumayo siya mula sa inuupuan at lumapit sa'akin. Binuhat niya ako bago binuka ang malaking pakpak.

Doon ko lang naisip, was he a victim too? Ano nangyari sakaniya at nandito siya?

Tinignan ko siya ng makalipad kami. Seryoso ang kaniyang mukha at mukhang malalim ang iniisip. Suddenly I felt a cold hand touched my heart.

Ngumiti ako ng mapait. We are the unlucky ones I guess.

"Don't worry, once I have my wish I will take you out in this place, I will never leave without you." Seryoso kong sabi.

I mean it. Aminado naman kasi akong kung wala siya ay wala na rin siguro ako. Bakit nga ba parang mabait siya sa'akin? O talagang mabait siya?

Kita ko ang pagbaba ng adams apple niya. "Tss. I am fine here. Once you have your chances or three wishes, sayo lang dapat yun. Marami kang pwedeng gawin dun."

Piningot ko tenga niya. "Aray!" Angil niya at sinamaan ako ng tingin.

"Nagmamabuti na nga ako rito eh, kahit sa sarili mo napaka-salbahe mo," umirap ako sakaniya bago ngumuso.

"I just don't want to feel any hope. I am tired of hoping that I can get out of here," he whispered.

Inis kong kinurot ang pisngi niya. "Aray! Nakakadalawa kana ha!" Inis na sabi niya sakin.

Uy nahiya yung paghalik mo sakin leche ka, nakadalawa ka rin kaya!

Binelatan ko lang siya. "Ikaw kasi, nilamon kana ba ng negativity rito? Nakakahawa eh," ngumuso ako.

Beyond the TunnelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon