Rae POV
"Hayyyyy Monday nanaman" sabi ko habang naglalakad papuntang school.
Sabi ni Kris ngayon daw magtra transfer yung fiance niya sa school namin. Ano kaya itsura niya? Ano kaya ugali niya? Bakit kaya ayaw sa kanya ni Kris? Ay teka bat ko yan pinoproblema!? *sigh*
Pagdating ko sa school may nakita akong kotseng nakaparada sa labas. Lumabas si Kris sa kotse at may sumunod sa kanyang isang..... babae. Yan siguro yung fiance niya. Maganda naman ah bat kaya ayaw ni Kris sa kanya. Nakita kong nagdire diretso lang si Kris sa loob at sumunod naman sa kanya yung babae. Pumasok na rin ako kasi magfla flag ceremony na.
Pagkatapos ng flag ceremony pumasok na lahat sa kanya kanyang classroom. Pagpasok namin sa classroom namin ay umupo na kami. Tumayo naman si Sir Ray at nagsalita.
"Class meron kayong bagong kaklase. Sige Miss magpakilala ka na" tumayo naman ang babae sa harapan.
"Hi my name is Aubrey Jade Robledo. Please take of me" pagkatapos nun ay umupo na siya sa upuan niya at nagsimula na ang klase.
-----
Lunch na kaya naglabasan na kami sa room. Nakita ko yung transfer na si Aubrey na may parang hinahanap. Nilapitan ko siya.
"Uh hi! Aubrey. Rae nga pala! Hulaan ko hinahanap mo si Kristian no?" tumango naman siya.
"Aish yung lalaking yun. Ah sige samahan kitang hanapin siya" ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya pero hindi siya kumibo.
"Uhh Rae? Nakakahiya naman" yumuko siya. Tumawa naman ako.
"Ha? Haha wag kang mag-alala okay lang" hinatak ko na siya at pumunta sa canteen.
Pagdating sa canteen nakita ko si Kris sa favorite spot niya at kausap sila Kuya Ches. Lumapit kami ni Aubrey sa kanila.
"Hoy Kris hinahanap ka ng fiance mo" humarap si Kris at tinignan ako ng masama.
"Ilayo mo nga yan sakin! Ayoko sa kanya!" dahil sa sigaw ni Kris na yun, nagtinginan samin ang mga tao sa canteen.
"Pero bakit mo siya kailangang iwanan? Wala pa siyang masyadong kilala dito" tumayo si Kris at umalis. Sumunod naman sa kanya sila Kuya Ches.
Umupo nalang kami ni Aubrey sa isang table at umorder. Habang naghihintay ng order nagkwentuhan muna kami ni Aubrey.
"Aubrey. Mahiyain ka ba talaga?" tumawa siya.
"Haha sa totoo lang hindi. Naninibago lang kasi ako sa lugar at mga tao dito. Pero dahil sayo hindi na" awww enebe.
"Haha. Bakit ka nga pala pumayag sa arranged marriage?" natahimik siya.
"Uh kasi. Nakita ko yung picture niya, sabi ko ang GWAPO! Tas nalaman kong kumakanta at naggigitara siya kaya pinanood ko lahat ng video niya sa youtube. Ayun nainlove ako" nakita kong namumula siya konti.
"Haha ang ganda mo kaya hindi ko malaman kung bakit ayaw sayo ni Kris" tumingin siya sakin, tinging seryoso.
"Eh Rae anu ba relationship mo kay Kristian? Mukhang ikaw lang kasi ang ganung magsalita sa kanya" tumawa naman ako.
"Haha lagi niya kasi akong binubully kaya yun nasanay na akong di matakot sa kanya" di ko pwedeng sabihin sa kanyang alalay ako ni Kris.
"Ah ganun pala. Pero alam mo Rae alam ko namang ayaw sakin ni Kristian. Pero alam ko rin na di tatagal magugustuhan niya din ako" wow matindi confidence nitong babaeng to.
BINABASA MO ANG
My Miserable Life |Slowww Update :))|
Teen FictionSi Rae Giselle Pascual. Isang not so mayaman na highschool student na may brains nga wala namang beauty. Sa pagpasok niya sa Castle High ang normal niyang buhay ay nagbago sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya. Written by TsunderePrincess01