Chapter 18: Assignments

105 9 3
                                    

Rae POV

"Hanubayan ang daming assignment!!"

"Sinabi mo pa!"

Kakatapos lang ng klase at sabay kaming kumakain ni Wendy dito sa isang fastfood chain habang hinihintay si Jermaine para bumili ng mga assignment. 

"Grabe ang haba ng listahan ng ga bibilin. Siguradong ubos allowance ko dito"

"Oo nga eh. May pinag-ipunan pa naman ako"

Habang nagkwekwentuhan kami ni Wendy napansin naming dalawa na may parang tumatawag sa pangalan niya. Hinanap naming kung saang banda nakapwesto yung tumatawag. Sabay kaming natawa nung makita namin si Jermaine na patakbong papunta sa isang jeep na nakaparada sa harap ng kinakainan naming fastfood chain.

"Wendy! Wendy!" tawa parin kami ng tawa kay Jermaine.

"Jermaine! Dito!" napansin kami ni Jermaine kaya pumunta siya samin. Pagkapasok niya dito sa loob ay halatang hingal na hingal siya sa pinaggagawa niya.

"Sino yung tinatawag mo dun? Hahaha" tanong ni Wendy.

"Akala ko kayo! Kasi pareho ng uniform at magkaharap pa hahaha"

"Hahaha!!"

"Alis na nga tayo! Para makauwi ng maaga!"

Pumunta kami sa isang mall para bumili ng mga letseng assignment. Sarado kasi yung daan papuntang national bookstore kaya kailangan munang pumasok sa loob. Dire-diresto kami papunta sa entrance pero hinarangan kami nung guard.

"Bawal pumasok ang nakaunifrom dito"

"Kuya sige na please? Sa national lang naman po kami eh"

"Bawal talaga eh"

"Ah sige po..."

Amp ganon? Bawal magpapasok ng nakaunifrom sa mall? Palabasin ko kaya siya dyan, nakaunifrom siya eh tss. Malapit dun yung dati naming bahay ni Papa kaya pumunta mun kami dun para makapagpalit.

"Haha bagay sayo!" sabi namin ni Jermaine kay Wendy.

"Haha ikaw naman Jermaine muka kang bata sa suot mo haha"

"Eh! Ito yung nakuha ko eh"

"Haha balik na tayo dun! Pag talaga di parin tayo pinapasok nako baka magwala ako dun"

"Oo nga dami pa nating gagawin"

Bumalik kami un sa mall pero hinarangan parin kami nung guard! >_<

"Kuya sabi mo bawal nakaunifrom. Eh hindi na kami nakauniform! Bat ayaw mo parin kaming papasukin!?"

"Bawal bata dito"

"Highschool na nga kami! HIGHSCHOOL!!"

Umalis na kami dun sa takteng guard na yun at naghanap ng ibang dadaanan. May nakita pa kami isang entrance. Naisipan naming sumabay nalang sa kahit sinong tao para lang makapasok. May nakita kaming dumaan na lola na papsok yata sa loob, nilapitan namin ito.

"Uhm excuse me po papasok po ba kayo sa loob?"

"Ah oo"

"Pwede po bang makisabay kami? Ayaw po kasi kaming papasukin sabi po bata pa po kami eh kailangan na kailangan po naming pumunta sa national bookstore please po. Pag sinabi po nila kung kasama niyo po kami sabihin niyo lang po 'oo' "

My Miserable Life |Slowww Update :))|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon