----
"1 2 3 CONGRATS SA INYONG LAHAT!" bati ni Mama at ng iba pa.
Andito na kami sa RestoBar. Nirentahan nila Mama itong buong lugar kasi marami-rami din kami. And dahil marami kami... we're having a buffet! Haha why not double celebration eh? Grabeeee andaming masasarap na pagkain! At dahil kasama ako sa nagcecelebrate syempre may lasagna! Wohhh my all time favorite <3
Nilibot ko ang paningin ako sa mga taong kumakain. May nagkwe-kwentuhan, tutok na tutok sa kinakaing pagkain at syempre may nagseselfie o gumagamit ng phone pero may isang taong nakuha ang aking atensyon, si Kris. Gusto kong tanungin sa kanya kung bakit nagka urgent call, kung saan yun tungkol at kung bakit niya kailangang umalis kanina pero wag na lang siguro ang importante naman ay dumating siya dito.
"Kids! Kantahan na!" nagrenta din si Mama ng videoke para may mapaglibangan naman after eating. Wow this surely is a wonderful day haha.
------------------------------------
"Okay class write this on your notebook....."
Hayyy buhay estudyante nga naman. Tapos na ang mga carefree days, kailangan ng bumalik sa realidad. Malapit na mag periodic test but at the same time malapit na din mag sem-break! Wohhhh! Oh time please double your flying skills! Maya-maya nag-ring na yung school bell na sign for lunchbreak---
---I'm comfortably eating my lunch here at the canteen. May biglang lumapit sakin na isang grupo ng kalalakihan. Natataranta na ko sa totoo lang kasi diba nangyari na to dati pero stay cool parin ang image ko haha. Tinulak ng isang lalaki yung friend niya papunta sakin. Tumatawa yung mga kaibigan niya while siya ay sobrang namumula! Haha! Ay wait.... let me guess... a confession!? Grabe nakalimutan ko naagad na ako yung nanalo sa contest haha.
"A-ate ikaw po ba si P-pascual? Y-yung nanalo po sa c-contest?" Haha nauutal pa ang cute haha!
"Yes po bakit?" natatawa ako pero pinipigilan ko lang haha!
"P-p-pwede p-po b-bang----" bigla siyang pinalo sa likod ng isa niyang friend.
"Sabihin mo na bilis! Malalate na tayo!"
"P-pwede po bang makahingi ng signature!?" ..... ha? AHAHAHA seriously? signature? HAHAHA omg I just can't hahaha!
"Anubayan pre!" sabi ng isa pa niyang friend. Kumuha ako ng papel at ballpen sa bag ko at pumirma with matching message haha! Galawang Rae haha!
"Thank you po!" parang ang saya-saya niya dahil lang sa kapirasong papel haha.
"Sige po Ms. Princess alis na kami baka malate pa kami dahil sa torpeng to eh. Byee~!" pinagpatuloy ko nalang pagkain ko nang makaalis sila. Pumunta muna ako ng restroom para maghilamos.
Saktong paglabas ko ng cr ay may dalawang lalaki na parang may binubuling babae. Binubully!? Babae!? Oh my kailangan kong tumulong! Di na ko nagdalawang isip at agad lumapit sa kanila.
"Hoy kayo! Anung ginagawa niyo sakanya!?" agad naman silang napatingin sakin.
"Miss wag ka na lang makigulo!" sabi nung isa.
"Mali yang ginagawa niyo at hindi ako magdadalawang-isip na itama kayo" pinakawalan ko ang aking mala black na aura.
"Pre officer yan ng grade 7 atras na tayo" sabi nung isa. Nasabi ko na bang ang officers ng star section ng kada grade ay may authority sa halos buong school? Di pa? Yan alam niyo na haha! Sumangayon ang kasama niya pero sinipa muna nila yung babae bago umalis.
BINABASA MO ANG
My Miserable Life |Slowww Update :))|
أدب المراهقينSi Rae Giselle Pascual. Isang not so mayaman na highschool student na may brains nga wala namang beauty. Sa pagpasok niya sa Castle High ang normal niyang buhay ay nagbago sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya. Written by TsunderePrincess01