Chapter 17: Magkakabati pa ba?

96 9 2
                                    

Jermaine POV

Kakatapos lang ng klase at uwian na. Sabay-sabay kaming umuwi nila Kuya Chester, Raquel, Rae at Wendy. May kailangang bilin si Kuya Chester sa isang bookstore. Sumama kami kasi ayaw pa naming umuwi. Habang bumibili si Kuya Chester ng kailangan niya may natanong si Wendy.

"Bat kaya hindi tayo pumunta kila Janine?"

"Sige lang" sabi ni Kuya Chester.

"Para makapagbati na rin kayo, Jermaine"

"Ayoko no! Bat ako mag so-sorry eh siya naman may kasalanan"

Alam kong impossible pero yes mag be-bestfriend kami nila Wendy at Janine. Ewan ko nalang kung bestfriends pa kami ngayon. Lilipat na kasi siya sa ibang school. Sabi niya samin walang limutan pero di pa nga siya nakakalipat eh nalimutan niya na kami ni Wendy tssssss.

 

-----

 

 

Nung dating mag hi-high school palang kami, nagpla-plan na kami para sa birthday niya. Ang dami naming plano nun! Pero.... lahat ng yun di natuloy kahit isa dahil naging president siya ng fans club ni Kristian dela Cruz. Pero dahil bestfriend ko siya naisipan kong bigyan nalang siya kahit card man lang, kasi diba pagcard masasabi mo lahat ng feelings mo dun? 

Nung birthday niya na bago magpasukan. Papunta ko sa starbucks para bumili ng inumin para sa birthday girl. Bigla ko siyang nakita sa harap ng starbucks. Bibigay ko na sana yung card pero nakita kong may iba na siyang mga kasama. Kita sa mga mukha nila na ang saya-saya nila. Treat pa yata ni Janine yung mga hawak nilang starbucks eh.

Yung mga kasama niyang babae ay umalis na. Biglang papunta na siya sa direksyon ko kaya natataranta kong tago nung card sa bag ko. Saktong lagay ko naman ng card sa bag ay nakita niya ko. 

"Uy Hi Jermaine! Bat ka nandito?"

"Hi! Happy birthday Janine! Ah bibili lang ako ng starbucks"

"Thank you! Eh bat ka nandito sa labas?"

"Ah tumutunog kasi cellphone ko eh di ko mahanap"

"Ah ganun ba? Sige bye Jermaine hinahanap na ko ni Tatay eh"

"Sige bye"

Umuwi nalang ako ng bahay at di na nabigay kay Janine yung card. Simula nun parang ang layo layo na ng loob niya samin ni Wendy. Parang di na niya kami bestfriends.... Palagi namin siyang tinatanong kung may bago na siyang bestfriends pero sabi niya wala naman daw. Sabi niya kami-kami parin bestfriends.

Tinanong namin sa kanya kung bakit di niya sinabi samin. Ang sabi niya kasi biglaan pero sasabihin din naman niya kaya lang naunahan namin siya. Edi okay na yun, pinatawad namin eh wala eh bestfriend eh. Tas sinabi niya na walang limutan kahit lumipat man siya sa ibang school eh di pa nga siya nakakalipat nakalimot na siya. Arghhh!

 

-----

 

"Bilis naa!" pagpupumilit ni Wendy.

Lahat sila nauna na. Wala na kong choice kundi sumama, ayoko namang maiwan dito no! Pagdating namin sa bahay ni Janine ay dinistansya ko ang sarili ko sa gate. Tinatawag ni Raquel at Wendy si Janine habang si Rae ay nag do-doorbell. 

"Janine? Janine!" tawag nina Wendy at Raquel.

Nakailang tawag na sila pero walang kahit isang sumasagot.

"Dalawa pang tawag pag di sumagot alis na tayo" sabi ni Kuya Chester at ganun nga ang ginawa nila.

"Tulog si Janine eh" sabi ng kuya niya. 

Alam naman naming gising siya at pinasabi niya lang yun para umalis kami. Umalis nalang kami at tumambay sa isang tindahan ng noodles. Bumili si Raquel ng isa at hati sila ni Rae. Hati naman kami ni Wendy sa isa. Nakisubo din ako dun sa  noodles nila Rae. Pagkatapos nun ay umuwi na kami.

 

-----

 

Pagdating sa bahay ay inopen ko ang fb ko at nagstatus.

'Buti pa yung hangin feel na feel ko, yung pagiging bestfriends natin di na e. =(((((( Litsi to ./.'

Hmmm 2 likes. Totoo naman diba? Di ko na feel pagkabestfriends namin. Nakaramdam ako ng lungkot kaya status na ituu.

'Miss na miss ko na yung bestfriend ko. Pero sya parang hindi naman. Nako. Samantalang ikaw dati yung nagsasabi na "Wag nyo akong kalimutan ah?" Pero bat ngayon? Nakakalungkot lang kase. Hindi ka pa nga nakakalipat ng ibang school ganyan ka na. Tsaka kung ayaw mo na samin sabihin mo lang uki?' 

Hayyy buhay. Hm 2 likes and 1 comment from Ellaine ------- 

'How painful is your life?:<' ma replyan nga.

'Beri painful </3'  ah nag comment na naman siya.

'So saaad:<' 

Yeah right very sad. Buti nalang nandiyan sila ate Ellaine.

Makatulog na nga muna. Magpapatugtog ako ng kanta ng EXO habang natutulog para ma wala wala yung bad vibes. Sumasakit lang ulo ko pag naalala ko yung mga bagay na yun.

 

-----

A/N: Chapter 17 done~!

Okay na yung short! Basta may update! Wahaha 

 

My Miserable Life |Slowww Update :))|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon