----- The day of the party~
"Rae sure kang kaya mo na ah?"
"Yes Ma!"
"Sige mauna na kami sa party. Byee~!"
Nauna na sila Mama, Papa at Kuya dun sa party dahil i do-double check pa nila ang mga preparations para sa party. Ako naman naiwan dito sa bahay na kasama ang mga maids dahil sabi ni Mama mamayang 9 pm nalang ako pumunta. Magsisimula ang party ng 6 eh maghihintayan pa ng mga guest at may mga wine tasting pa. Sabi ni Mama 9 niya ko papakilala kaya dapat before 9 nandun na ko. Well 5 palang so bibili muna ko ng yogurt sa 7-11 =w=
Bumili ako ng 5 yogurt na strawberry flavored, bumili din ako ng kit-kat bits at mini marshmallow. My favorite <3 Habang pauwi ay dumaan ako sa park at nakita ko si manong na nagtitinda ng ice cream. Syempre na miss ko yung ice cream ni manong kaya bumili ako. Naglalakad ako sa side walk dito sa neighborhood namin ng biglang sumabit ang plastic ng binili ko dun sa wire na fence. Well maliit lang naman na damage kaya abot pa to sa bahay.
Isang liko nalang sa kanto papunta sa bahay namin ng mapansin kong parang ang gaang na yata nung mg binili ko. Pagtingin ko dun sa plastic ay wala ng laman! Syempre binalikan ko kung saan pwedeng nahulog yung mga yun. Nakuha ko ulit yung kit-kat bits, yung marshmallow at 4 na yogurt pero asan na yung isa!? Waaah! Di na ko magiging masaya pag kulang ang mga yogurt ko huhuhu. TT^TT
Hanap ako ng hanap kung nasaan na yung yogurt na yun ng may biglang nagabot sakin ng yogurt. Yung yogurt ko! Hayyy thank you at nakapiling na kita!
"Thank youuu~!"
"So Miss sayo nga yan haha"
"Bat ka tumatawa?"
"Di pa kasi ako nakakakita ng babaeng adik sa yogurt haha"
"Well ngayon nakakita ka na!" tinignan ko ang orasan ko. Hala magsi 6 na! Mag-aayos pa ko! Huhu.
"Sorry but I got get going. By the way thanks ulit sa pagpulot nito. Bye~!"
Pagdating ko sa bahay ay kinain ko muna yung 2 yogurt at naligo na. Pagkatapos maligo ay sinuot ko ang damit na bigay sakin ni Mama. Paglabas ko sa kwarto ay naghihintay na sakin ang hair stylist at make-up artist ni Mama. Pagkatapos akong ayusan ay tumingin ako sa oras.
"8:30 huh?"
Nagpahatid na ko sa venue nung party. Mga magte 30 minutes din yung biyahe kasi malayo-layo din yun. Pagkadating ko namin dun sa venue ay saktong 9 na. Bababa na sana ko pero may inabot sakin si Mang Manuel na jacket.
"Para san po?"
"Bilin kasi sakin ng Mama mo na bigay ko to sayo, isuot mo daw para di ka makilala"
"Si Mama talaga oh kahit kailan"
"Dun ka daw dumaan sa likod" sabay turo ni Mang Manuel sa isang pintuan.
"Sige po salamat"
Sinuot ko ang jacket at lumabas na sa kotse. Dumaan ako dun sa pintuan sa likod katulad ng sinabi ni Mang Manuel. Pagpasok ko sa pinto nakitang kong kusina ang pinasukan ko. Biglang may lumapit sakin na isang matandang babae.
"Iha ikaw ba yung Rae?"
"Ah yes po"
"Kanina ka pa hinihintay ng Mama mo. Ako nga pala si Merilda, kapatid ako ng Lola Luistra mo"
"Ganun po ba. Nice to meet you po"
"Halika sumunod ka sakin tuturo ko kung saan ka pwe-pwesto" tumango ako at sumunod kay Tita Merilda.

BINABASA MO ANG
My Miserable Life |Slowww Update :))|
Teen FictionSi Rae Giselle Pascual. Isang not so mayaman na highschool student na may brains nga wala namang beauty. Sa pagpasok niya sa Castle High ang normal niyang buhay ay nagbago sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya. Written by TsunderePrincess01