-----
Monday na. Late ako nagising kaya nagmamadali ako ngayon. Nako patay may flag ceremony pa naman! Binilisan ko ang pagligo at bihis ko. Wala ng kain kain! Sa school nalang yun! --- Pagdating ko sa school ay di pa nagsisimula yung flag ceremony. Hayyy buti naman ayoko madetention no!
Habang papunta ko sa pila namin yung mga tao grabe makatingin kala mo may kung anong multo na nakita eh. Hanggang sa makapunta ko sa pila pinagtitinginan parin nila ko. Bakit anu meron? May dumi ba sa mukha ko? Pinunasan ko nalang ang mukha ko at tinuon ang attention sa flag ceremony. Pagkatapos ng flag ceremony ay nagsipasukan na ang lahat sa kani-kanilang classroom.
Nakapila kami papasok ng classroom. Halaaa bat ganon? Nakatingin parin sila sakin! I can't take this anymore!! May biglang nagcling sa braso ko, si Raquel. Binulungan niya ko.
"Hi miss dyosa~ Peymus ka ngayon ah~?"
Ha? Dyosa? Ay! Oo nga pala! Di pala nila alam na namakeover na ko. Yung mga invited palang sa party ang may alam. Nako feeling ko magiging nakakapagod itong araw na to. Pagdating sa classroom ay tumahimik ang lahat. Yung mga nagkewkewntuhan napatikom bibig. Yung iba naman napanganga. Haha oa lang?
"Ang oa niyo naman. Si Witch lang yan!" Sabi ni Macey.
"Wala naman siya sa ganda ko no! Hmp!" sabi naman ni Camille.
"Poket nag-ayos lang konti ganyan na kayo magreact?" sabi naman ni Gabbie.
"Wala pa sa talampakan namin yan eh!" sabi naman ni Jenifer.
"Kayo na! Kayo na maganda! Pero di nga si Witch Rae yan?" tanong ni Benedict.
"Oo nga! Ang kulet niyo! And fyi di na siya witch, princess na siya! Bleh!" sabi ni Yukarie.
"Anong kaguluhan meron dito?" tanong ni Sir Ray.
"Ayaw po kasi nilang maniwala na si Rae po ito" sabi ni Wendy.
"Wow ang apo ni Mrs. Villanueva! Gandang di mo inakala! Well okay you all! Take your seats. Iibahin ko ang seating arrangements niyo"
"EHHH?!" sabi ng buong klase.
"Sino ba masusunod? Kayo o ako? Pumila na kayo sa labas by height!"
Pagkatapos ni Sir ayusin ang bago naming sitting arrangement ay binigyan niya kami ng gagawin. Katabi ko sina Yukarie at Jake Mavrick Francisco. Nasa harap naman namin ay sina Wendy, Mathew Adrian Pomero at Jermaine Ruth dela Cruz. Ang layo ng upuan ni Kristian, sa third row pa *sigh* Well sana maging kakclose ko yung iba.
Recess na at sabay-sabay kami nila Jermaine, Wendy, Aubrey, Yukarie at Raquel. Para ko silang naging personal bodyguard dahil nakapalibot sila sakin haha.
"Pwede ko bang matanong kung bakit niyo yan ginagawa? Haha"
"For your safety" sabay-sabay nilang sabi.
"Haha thanks guys pero kaya ko naman eh"
"Well then. Basta dikit ka lang samin okay? Baka dumugin ka ng mga boys dyan" sabi ni Aubrey
"Yes mam!"
Successfull naman kaming nakapuntang canteen. Oh well di parin maiwasan yung mga lumalapit. Very thankfull akong nandito sila hayyy. But unfortunately lahat sila may biglaang kailangang gawin kaya naiwan akong mag-isa ditong kumakain. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na akong room. Pero habang papunta akong room may humarang saking tatlong lalaki.
"Hi Miss bago ka ba dito?"
"Hindi"
"Taga saang section ka miss? First year ka ba?" ang daming tanong argh.
BINABASA MO ANG
My Miserable Life |Slowww Update :))|
Teen FictionSi Rae Giselle Pascual. Isang not so mayaman na highschool student na may brains nga wala namang beauty. Sa pagpasok niya sa Castle High ang normal niyang buhay ay nagbago sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya. Written by TsunderePrincess01