Chapter 1

229 10 6
                                    

Rae's POV

Today is my first day of school as a highschool student. Nasabi ko na bang ako ang nag veledictorian ko sa dati kong school? Yun ang dahilan kung bakit nila ako binigyan ng libreng scholarship sa Castle High ang pinakamalaki, pinakamaganda at pinakamamahaling school sa buong lugar namin. Kaya sino pa ko para tungi sa one in a life time offer na yun diba? Mga mayayaman ang mga nag-aaral dito kaya masuwerte ako dahil makakapag-aral ako dito ng libre.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng gate ng school. Grabe sobrang laki ng school na to mas malaki pa sa iniimagine ko. Habang naglalakad ako papasok pinagtititigan ako ng mga estudyante dun. Hindi tingin ah titig talaga as in titig. Bakit may dumi ba ko sa mukha? Sabagay baka ngyaon lang sila nakakita ng nerd na katulad ko. Sa hindi namang sinasadyang pangyayari narinig ko yung dalawang babae na nagbubulungan 'Sino ba yan? Para siyang witch' 'Is that a wig?' ouch ah? nahurt ako dun. Oo na ako na witch kayo na clown! Kakapal ng makeup kaloka. Nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglakad hanggang makita ko ang principal ng school na to. 

"Hello Miss Pascual!" may kaway effect pa sya habang papalapit saakin. Astig ng principal na to ah. Bagets kung bagets!

"Hello po good morning Mam" nginitian ko siya ngumiti din naman siya sakin.

"Oh Miss Pascual andun nga pala ang pila ng mga freshmen" sabay turo sa pila sa dulo.

"Ay sige thank you po Mam" papunta na sana ako dun sa pila kaso bigla niya akong tinawag.

"Ah Miss Pascual, if you need anything just go see me at the principal's office okay?" tumango ako at pumunta na sa pila. Grabe bat kaya ang bait bait niya sakin? Ah naalala ko yung sabi ng kapitbahay namin na puro pagpapaganda at pagpapapogi lang ang inatupag ng mga estudyante dito kaya natuwa ung principal dahil tinanggap ko ung scholarship. Tsk sayang lang ang ganda ng school na to kung ganun lang din naman.

Nang makadating ako sa pila pinagtitinginan nanaman nila ako ay sorry titig pala. Ung mga titig nila grabe kala mo kakainin ka ng buhay, ganun ba ko kasarap? May bigla akong nabanga at natapon sa kanya ang iniinom niyang Mcfloat.

"Ay po— hala sorry po!" tumingala ako para makita siya. Grabe ang tangkad niya at ang....GWAPO! (landi Rae) Sobrang sama ng tingin niya sakin. Nagulat ako nung bigla nilang binuhos saakin yung natira. I mean sinong hindi magugulat diba? Buhusan ka ng malamig na inumin at sa harap pa ng maraming tao? In shock pa ko sa mga nangyari kaya hindi agad ako nakapagsalita.

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo" sabay tulak niya sakin. Napaupo ako sa lapag, ouch nasubsob pwetan ko dun huhu naluluha na ko.

"Nga pala Miss WITCH"

"Palitan mo tong nabasa mo" sabay alis niya. Tumawa ulit ung mga taong nakapaligid samin mas malakas kesa kanina. Ano sa tingin niyo yung nangyari? Comedy show? Tumakbo nalang ako para hanapin ung cr at thank God nahanap ko siya. Sa mga panahong ganto cr nalang talaga ang matatakbuhan. Naghilamos ako at tinaggal ung malagkit sa buhok ko. Nagpalit na ko ng damit buti nalang I am ready at may extra uniform ako. Pagkatapos kong magpalit ay inalala ko yung mga nangyari.

"Grabe ang gwapo mo sana masama lang ugali di lang masama sobrang sama"  lumabas na ako ng cr at pumunta na sa pila. Sakto pagkadating ko sa pila ay pumunta na kami sa classroom namin.

Pagdating sa classroom inarrange ng adviser namin ung sitting arrangement. By height kami inarrange. Papunta na sana ako sa upuan ko nang bigla akong natisod. Tumingin ako dun sa lalaking malapit sakin... SIYA NANAMAN!? Oh no kaklase ko siya. Nakita ko siyang nagpipigil ng tawa kaya malakas feeling ko na siya ung tumisod sakin. Nakakadalawa ka na ah! Sapakan nalang oh! Well imbis na makipag away ay tumayo nalng ako na parang walang nangyari at pumunta na sa upuan ko. Ayokong magkaproblema paglumaban pa ko eh ka first day first day ng school eh. Yes you heard me right palaban ako di lng halata. Hindi ko lang talaga pinapatulan yung mga nangbubully saakin, nasasayang lang energy ko.

My Miserable Life |Slowww Update :))|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon